9-Anyos na Batang Babae Mas Piniling Magluto at Magbenta ng Fried Chicken upang Matulungan ang Pamilya kaysa Maglaro.

Kadalasan sa mga kabataan ay makikita mong naglalaro at naglilibang, sinusulit ang bawat araw at walang iniisip na mga pasanin sa buhay, subalit hindi lahat ng bata ay ganun ang pag-iisip, marami sa panahon ngayon na sa murang edad ay bitbit na ang malaking responsibilidad ng pamilya.

You May Also Read:

Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.

Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.

Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Maswerte ang mga kabataang namulat sa marangyang pamumuhay, pero mayaman naman sa diskarte at pagpupursige ang mga batang maagang namulat sa realidad ng buhay.

Hindi man ginusto ng iilang kabataan na magbanat ng buto imbes na mag-aral at maglaro, subalit wala na silang pagpipilian kung wala ng pamilyang dapat pang aasahan.

Isa sa mga batang ito si Sarocha Intasai na sa edad na siyam na taong gulang ay marunong ng magluto ng piniritong manok at alam na ang kalakaran sa negosyo ng pagbebenta ng pagkain.

Nagsimula di umano si Sarocha sa pagsama sa kanyang lola na magbenta ng pagkain noong siya ay tatlong taong gulang pa lamang. Habang tumatagal ay marami siyang natutunan mula sa kanyang lola hanggang sa makalipas ang anim na taon ay naasahan na siya nito sa pagtatrabaho sa ‘Aunt Reang’s restaurant’ na matatagpuan sa palengke ng Bang Nam Pueng sa Thailand.

Maliban sa pagluluto ng pritong manok ay nagbebenta din si Sarocha ng curry at rice noodles.

Sa murang edad ay kinailangan na ni Sarocha ang magbanat ng buto para sa kanila ng kanyang nakababatang kapatid. Naghiwalay kasi ang kanilang mga magulang noong siya ay tatlong taong gulang pa lamang at nakulong ang kanyang ina dahil sa ipinagbabawal na gamot kaya naman kinailangan nilang makituloy sa bahay ng kaniyang lola.

Sa kabutihang palad ay malugod silang tinanggap nito sa kabila ng kanilang kahirapan at maliit na tahanan. Kasama ni Sarocha sa bahay ang kanyang lolo at lola, lola sa tuhod at dalawang kapatid na lalaki.

Madalas tanungin si Sarocha ng ibang tao kung okay lang sa kanya na sa murang edad ay nagtatrabaho na siya. Positibo naman ang sagot nito at okay lamang para sakaniya ang magbanat ng buto. Masaya siyang nakakatulong sa kanyang lolo at lola na nagsusumikap para mabigyan silang magkakapatid ng maayos na buhay.

Sinabi din ni Sarocha na kung maglalaro lang siya maghapon ay hindi siya kikita ng pera na makakatulong sa gastusin sa kanilang bahay.

Loading...