3-Anyos Na Bata, Nahulog Mula Sa Ika-12th Floor Ng Gusali, Delivery Man Alertong Sinalo at Umani ng Papuri.

Nakakapanindig balahibo ang isang kaganapang ito kung saan sangkot ang 3 taong gulang na walang muwang na bata. Isang video na nagpapakita na mahuhulog na ang bata mula sa 12 na palapag ng building.

You May Also Read:

Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.

Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.

Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Napakaswerte naman dahil may isang lalaki na napaka alerto na siyang sumagip sa bata. Minsan sa ating paglalakbay may mga pangyayari na hindi natin kontrolado at kung mabuti kang tao, makikita talaga sa initial na reaksyon mo kung paano mo tugunan ang ganitong mga pangyayari.

Ang lalaki ay kinilala kay Nguyen Ngoc Manh, sa ini-upload na video noong Pebrero 28, masisilayan na ang tatlong taong gulang na batang babae ay nakabitin sa palapag ng isang gusali sa Nguyen Huy Tuong Street sa Hanoi.

Ilan pang minuto ang lumipas at di na kaya ng bata ang lumambitin, ito ay tuluyan na ngang nalaglag sa mataas na palapag. Mabuti na lamang at nasalo ito ni Nguyen Ngoc Manh.

Sa pagkakataong yaon, mayroon daw na hinihintay si Nguyen na ipapahatid sakanyang package at narinig nito ang isang babaeng sumisigaw.

Buong akala niya na mayroon lamang batang pinapagalitan ngunit ng silipin niya ito sa taas ay isang bata na malapit ng malaglag ang kanyang nakita. Kaya dali-dali itong lumlabas sakanyang sasakyan at umakyat ng bubong upang subukang masalo ang bata. At mabuti na lamang at nasalo nya rin ito.

LOOK: 3 taong gulang na bata nahulog sa ika labindalawang palapag na  gusali, nasagip ng delivery rider - I'am Pinoy

Matapos ang pangyayari ay agad naman dinala ang bata sa National Children’s Hospital. Kung saan dito ay sinuri ang bata at nakita na napinsala ang tagiliran nito na nag resulta sa “dislocated hip”.

Dahil sa pangyayaring ito ay umani ng maraming papuri ang ginawang kabayanihan ni Manh. Maraming netizens din ang nagpasalamat sa kanyang mabuting puso sa pag sagip ng bata.

Ayon kay Manh, maniniwala ito na kahit sino ay gagawin din ang kanyang ginawa lalo’t kung sila na ang nasa sitawasyon na iyon.

Naging palaisipan naman kung bakit nga ba umabot doon ang musmos na bata, gayunpaman ay maging aral ito sa mga magulang o tagabantay ng bata na palaging ilagay sa tabi ang bata at wag walain sa paningin dahil naka abang lagi ang aksidente.

Loading...