Truck Driver,Hinangaan ng Publiko sa Kaniyang Ginawa Matapos Hintuan ang Matandang Naglalako ng Ice Cream.

Ang pagtulong sa kapwa ay hindi gawain lamang ng mga taong mayayaman at kilala sa lipunan. Dahil ang pagtulong ay kusang dinidikta ng ating puso kahit pa man tayo ay kapos rin minsan. Sa pagtulong ay hindi naman pinipili kung ito ba ay matanda, bata, may pamilya o wala.

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Mas marami ang sumasaludo sa mga taong tumutulong sa kanilang kapwa kahit pa man sila ay hindi mayaman, dahil napaka buti ng kanilang kalooban.

Katulad na lamang sa ginawa ng isang delivery truck driver na ginulat ang mga nakasaksi sa kanilang ginawa ng makasalubong niya ang isang matandang naglalako ng ice cream sa gitna ng maulang araw.

Ito ay nasaksihan ng netizen na si Patrick Mariano. Kwento niya, kasalukuyan daw siyang nag- aayos ng kaniyang kwarto nang masilip niya sa kaniyang bintana ang mga pangyayaring ito.

Pumarada ang isang malaking truck sa harap ng kanilang bahay at bumaba ang driver upang puntahan ang lolo na nag lalako ng ice cream na nakasuot lamang ng kapote at sombrero pang protekta sa sarili.

Pinakyaw daw ng driver na ito ang lahat ng paninda ng matanda upang ito ay makauwi at hindi na mababad sa ulan na maging dahilan pa ng kaniyang pagkakasakit.

Sa naturang post ng netizen na si Patrick, kaniyang sinaluduhan at pinasalamatan ang kumpanya ng Shalom Organic Fertilizer bilang pasasalamat din sa kanilang empleyadong ito.

Tunay ngang hindi mo din inaasahan ang mga pagkakataong ganito. Napakasarap sa pakiramdam na masaksihan mo ang mga ganitong kabutihan ng tao sa kaniyang kapwa.

 

Loading...