Tatay, Nagdiwang ng birthday na Mag-isa sa Fastfood; Mga Nakasaksi ay Nalungkot sa Nakitang Eksena.

Nakunan ng isang netizen na si Trixie Ann ang pagdiwang ng kaarawan ng isang lalaki sa loob ng fastfood na nag-iisa. Kanyang ibinahagi ito sa social media at marami sa mga nakabasa ng kanyang post ang naantig sa kaarawan ni Tatay.

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Ang kaarawan ay isa sa mga mahalagang selebrasyon sa ating buhay dahil minsan lamang tayo makatuntong sa ganyang edad at hindi na maibabalik pa ang mga oras. Gayunpaman, makikitang kausap ni Tatay sa telepono ang kanyang pamilya, at nagdiwang ito na malayo sa kanila.

“Sobra akong nalungkot nang makita namin si Tatay sa isang fast food chain. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sapagkat ngayon lamang ako naka-saksi ng ganitong uri ng pangyayari sa buong buhay ko,” bahagi ng netizen.

Sa mga larawang ibinahagi ni Trixie, makikita si Tatay na nakaporma at bakas din sa kaniyang mukha ang kasiyahan, kahit pa mag-isa lamang siya.

“Akala ko sa mga drama lang nangyayare ito pero hindi! Sine-celebrate ni Tatay ang kanyang ika-69 taon nang mag-isa at walang kasama,” wika ni Trixie.

Makikita sa mesa ang isang cake na may sinding kandila at isang order ng pagkain habang nagpapakuha ng larawan si Tatay. Kinausap niya rin ang kaniyang pamilya sa cellphone habang ipinakikita sa kanila ang kaniyang simpleng handa.

“Habang ipinapakita ni Tatay ang kanyang handa sa kanyang asawa’t mga anak sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono hindi ko alam kung anong lungkot ang bumabalot sa aking puso,” ayon pa sa netizen.

Kaagad namang umani ng pagbati si Tatay mula sa mga social media users na nadurog ang puso sa kaniyang kuwento.

Loading...