Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya

Piso-piso man ay may halaga rin lalo na kapag naipon ito. Bawat barya ay may halaga lalo na pag ang pinagmulan nito ay siyang bumubuhay sa pamilya mo.

You May Also Read:

Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.

Pasahero, Nabahala sa Kasamang Babae dahil Sa mga Gold at Pera nito na Nakalabas sa Bag, Pero ” SANA ALL” daw.

Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita

Isang trending post kamakailan ang nagpaantig sa mga metizens ng kanilang malaman na si Lola Maria na nasa 74 anyos, ay patuloy pa rin sa pagkayod upang ma suportahan ang kanyang pamilya.

Sa paraang pagsisisid pa na mukhang hindi madaling kumita ng pera lalo pa’t tumatanda na rin si lola.

Alam ni Lola Maria na ang bawat sentimo ay mahalaga para sa kanyang pamilya. Ang hanapbuhay ni Lola Maria ay ang pagsisid araw-araw sa ilalim ng dagat upang mamulot ng mga baryang tinatapon ng mga taong sumasakay sa Dalahian Ferry Terminal sa Lucena, Quezon.

Nakagawian na umano ng mga turista ang paghagis ng mga barya sa dagat upang makita ang mga katulad ni Lola Maria na sumisid sa dagat upang makuha lamang ang mga barya.

Bago pa sumikat ang araw ay pumupunta na si Lola Maria sa dagat gamit ang kanyang maliit na bangka. Kumikita siya ng P100-P200 araw-araw. Depende ito sa dami ng mga turistang nagtatapon ng mga barya.

Isa si lola Maria sa pinakamatandang maninisid sa kanilang lugar. Alam ni lola na mahirap ang kanyang trabaho dahil sa matanda na ito ay mahina na rin ang kanyang paningin, ngunit ang kanyang pamilya ay nakadepende lamang sa kanyang kinikita araw-araw.

Maging ang kanyang maliit na bangka ay marami ng butas at madalas nasisira.

Ayon kay lola, dati ay kasama nito ang kanyang asawang sumisisid sa dagat, ngunit hindi na nito kaya lumangoy kaya naiiwan na lamang ito sa kanilang bahay. Namamalimos rin umano ito sa kalye kapag hindi nakakasisid si lola Maria.

Ang ilan sa mga apo ni lola Maria ay tumutulong rin umano sa paninisid kapag walang pasok sa eskwelahan.

Loading...