Resto owner,Naka-Diskubre ng Magandang Paraan upang Maibahagi ang mga Tirang Pagkain sa mga Mahihirap.

Minsan napapaisip tayo kung saan kaya napupunta ang mga tirang pagkain ng mga restaurant? Tinatapon nalang ba nila? sobrang sayang naman, at lalong hindi naman nila ito binebenta pa pagka bukas ng umaga.

You May Also Read:

Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.

Pasahero, Nabahala sa Kasamang Babae dahil Sa mga Gold at Pera nito na Nakalabas sa Bag, Pero ” SANA ALL” daw.

Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita

Kahit tayong mga kumakain ay nasasayangan kapag may mga natira pa tayong pagkain na inorder, sa pagkaka alam natin na maraming tao ang nagugutom sa ngayon at nagbibigay halaga sa bawat butil ng kanin na kanilang sinasaing.

Kaya maraming netizen ang napahanga sa isang lalaking nagmamay-ari ng restaurant sa India, sa kanyang magandang ideya kung paano makatulong sa mga taong walang makain sa araw-araw.

Kwento ni Minu Paulina, isang araw ay meron siyang nakitang babaeng pulubi na nangangalakal at naghahanap ng pagkain sa basurahan. Dito niya naisip na imbes na itapon ang mga tirang pagkain ay ibibigay na lamang niya ito sa mga taong nagugutom.

“So many people are wasting so much food and someone is taking that food from the same trash.”

Nilalagay ni Minu ang mga pagkaing natitira ng kanyang mga kustomer sa isang refrigerator na nasa labas ng kanyang restaurant. Ito ay bukas ng 24/7 at kahit sino ay pwedeng kumuha ng libre.

Meron ding nakalagay na petsa kung kailan nailuto ang mga pagkain kaya naman nakasisiguro ang mga kukuha na ligtas itong kainin.

Naglalagay sila ng nasa 75 hanggang 80 packs na mga pagkain sa refrigerator.

“If you’re wasting your money, it’s your money, but you’re wasting the society’s resources. Don’t waste the resources, don’t waste the food,” sabi ni Minu.

Loading...