Low Budget Pool: Dating Kulungan ng Baboy,Ginawang Refreshing Pool ni Lolo sa Halagang 4K.

Dahil papalapit na naman ang summer at bawal pa ring lumabas ang mga chikiting sa inyong mga bahay, napaka ideal po ng gawa na ito ni tatang para sa kanyang mga apo na pwede nyu ring magaya sa inyong mga tahanan.

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Siya po ay si lolo Wilfredo Mangubat 57-anyos na taga San Luis, Pampanga kung saan ginawan niya ng DIY pool ang mga apo, ang dating kulungan ng baboy ay isa na ngayong magandang pool.

Dahil umiiral pa rin ang community quarantine sa bansa, naisipan ni lolo na gawan ng swimming pool ang mga apo upang malibang at manatili lamang sa bahay.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, inabot lang ng anim na araw si lolo sa paggawa ng nasabing pool.

Sa halagang P4,000 ay nakagawa na ng swimming pool si lolo. May haba na 4 meters, luwang na 2 meters at nasa 3 feet naman ang taas nito.

Kita naman sa mga larawan ang tuwa sa mukha ng mga apo ni lolo Wilfredo. Sa wakas, may panmatagalan na silang magagamit at kaaaliwan pa ng mga bata.

Ang mga larawan ay kuha ni Blessie Reyes, anak ni lolo kung saan ibinida niya ang pagiging sweet ni lolo sa kanyang mga apo.

“Just wanna share our low budget pool made by my Tatay! Da best ka talaga!”

Loading...