Kilalanin ang 22+ Taong Gulang na Teacher sa Bulacan na Laging Napagkakamalang Estudyante dahil sa kanyang Baby face. Bakit kaya?

Di maipagkakaila na palaging napagkakamalang estudyante itong guro na si Ian Francis Manga. Ayon pa sa interview ng Stand for Truth ““Para po nila akong kuya, kalaro palagi.” yan ang sabi ni Ian.

You May Also Read:

Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.

Pasahero, Nabahala sa Kasamang Babae dahil Sa mga Gold at Pera nito na Nakalabas sa Bag, Pero ” SANA ALL” daw.

Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita

Si Ian ay kasalukuyang guro ng Kindergarten at Grade 2 sa Paaralan ng San Jose Del Monte Bulacan. Ayon sa salaysay ni Ian, noong bata pa daw siya ay sakitin ito at yun ang naging hinala niya kung bakit nagkaroon ng delay sa pagdevelop ng kanyang physical na pangangatawan.

Noong high school daw siya ay hindi niya naranasan ang pagbibinata na katulad ng kanyang mga kaklase. Hindi daw niya naranasang magkaroon ng buhok sa kili-kili at magkaroon ng bigote.

Hindi rin siya pumunta sa doktor para kumunsulta dahil hindi naman niya na-experience na kutyain dahil sa kanyang itsura. Hindi po ako na-bully kasi I was friendly. Pala-kaibigan po ako sa kaklase ko. Minsan nabu-bully rin mga hindi ko naman kakilala, kakantahan ka ng mga bulilit. Eh wag mong pansinin.”

22 years old si Ian Francis Manga nang naipasa niya ang licensure exam para sa pagiging guro. Kalaunan ay nagsimula siya sa pagtuturo.

“Nagiging seryoso [ako], nagiging seryoso din sila sa akin. Hati ‘yong pagiging strikto sa pagiging teacher. Teacher po ako. Hindi po kailangang always play kailangan may seryosohan din.”

Katulad ni Ian ay meron ding iba na pinagkakamalang mas bata pa kaysa sa kanilang totoong edad. Ayon sa mga doktor ay posible itong mangyari lalo na kung ito ay nasa genes.

Loading...