Isang Petshop, Bumibili ng Langgam para gawing Alaga at Umaabot ang Presyo Hanggang P10,000.

Kung dito sa ating bansa ay tinatapak-tapakan lamang ang mga langgam dahil masakit at makati nga naman kapag nangangagat, sa ibang bansa pala ay pwedeng pagkakitaan.

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Mayroong petshop sa Singapore ang nag-aalok ng 30 uri ng mga langgam na puwedeng alagaan o gawing pet. Ang presyo ng mga ito, puwedeng umabot hanggang sa $200.

Sa ulat ng Reuters, sinabing nais ng may-ari ng shop na “Just Ants,” na baguhin ang negatibong pagtingin ng mga tao sa mga langgam.

Isang maikling kwento mula sa isang encyclopedia tungkol sa mga langgam.  Ang pinaka-kagiliw-giliw na mga katotohanan tungkol sa mga ants para sa mga  bata. Saan nakatira ang mga langgam

Kung sa tingin ng iba ay peste ang mga langgam, sinabi ng negosyanteng si John Ye, na silbi at misyon sa ecosystem ang maliliit na insekto.

“I’m trying to change the misconception, and educate,” sabi ni Ye.

“You know, young people, children, that actually ants are very enriching. They are so important in the ecosystem, they are actually here for a reason, and then if we could actually just learn from the humble ant, there are so many things that the ant could teach us, like perseverance, being headstrong,” patuloy niya.
Para kay Ye, kahanga-hanga ang mga katangian ng mga langgam.

Ang pagpuksa ng mga langgam sa hardin. Bakit lumilitaw ang mga langgam at  kung paano sila mailalabas sa bansa

Nakukuha raw ni Ye ang mga langgam sa mga isla.

Mayroong 30 uri ng langgam sa shop at umaabot ang halaga nito hanggang $200.
Dinadagsa naman ang ant-lovers at mga nag-uusisa ang naturang shop na may kakaibang ibinebentang alaga.

“It’s crazy, definitely it’s crazy. If you told me that somebody loves it so much, I mean, maybe, it’s a (special) trait to them,” ayon sa residenteng si Alvin Teng.

SOURCE: GMA NEWS

Loading...