Customer na Trauma, Naka Nguya ng Ginamit na Band Aid sa Pagkaing Inorder Mula sa Sikat na Restaurant.

Isa sa mga requirements ng mga retaurant ay makapasa ito sa kalinisan para mabigyan ng certification at permit ng makapag-operate kaagad ng kanilang business.

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Ngunit kahit gaanong ingat naman ng mga crew, mayroon talagang mga pangyayari na hindi sinasadya at pwedeng maging dahilan ng pagkalugi ng inyong negosyo.

Katulad na lamang ng isang customer sa Ilo-ilo, nagreklamo matapos na umano’y manguya niya ang isang gamit na band-aid sa inorder nitong beef stew habang kumakain sa isang sikat na buffet restaurant.

Imbes umano ng karne ng baka ang kanyang makain ay naisubo raw nito at nanguya ang isang gamit na band aid nang kumain siya sa nasabing sikat na restaurant nito lamang Sabado, ika-23 ng Enero at bandang 7:30 ng gabi.

Ayon sa naturang customer na kinilalang si Reydan, agad umano nitong inireklamo sa staff ng restaurat ang nangyari. Tinawag umano nito ang dining manager ng nasabing restaurant at inihayag ang nangyari kung saan, muntik na nitong tuluyang makain ang isang ginamit na band aid.

Mabuti na lamang at agad din naman umano na pinalitan nito ang kanyang inorder na pagkain ngunit, hindi na ito pinabayaran pa sa kanya.

Dahil sa nangyari, agad umano na magsasagawa ng imbestigasyon ang nasabing sikat na buffet restaurant upang matukoy kung saan nanggaling at paano napunta sa pagkain ng customer na si Reydan ang sinasabi nitong gamit na band aid.

Image result for vikings beef stew

Wala umano munang inilabas na opisyal na pahayag ang nasabing restaurant sa nangyari at marahil ay nakatuon muna ang mga ito sa imbestigasyon.

Dagdag saad pa raw nito, dahil sa nangyari ay hindi raw muna ito maayos na nakakain dahil ‘traumatic’ daw para sa kanya ang nangyaring muntik niyang pagkain sa isang gamit na band aid na nahalo sa paborito pa nitong ulam na beef stew.

Image result for vikings restaurant

Halo-halo naman ang naging reaksyon ng marami tungkol sa ulat na ito. Ayon sa ilan, baka raw mayroong isa sa mga staff sa kusina ng restaurant na nagsuot ng band aid kaya aksidenteng nahalo ito sa pagkain ng kanilang customer.

Heto nga ang ilan sa mga isinaad na reaksyon ng ilang mga netizen tungkol sa nangyari:

“Iba-iba ang mga customer na sumasandok sa mga serving dish. Posibleng doon din sa mga customer galing ‘yung band aid…”

“Baka gimik para makapanira at magpabayad sa may ari ng restaurant at malibre na ang kinain.”

“Ay baka may sugat itong kitchen staff na ‘to kaya may suot siyang band aid. Kapag lagi na kasing nababasa ‘yun, nawawala sa dikit. Baka di n’ya napansin nung naghanda s’ya ng food na nalaglag ‘yung band aid nya.”

“Ang nakapagtataka, paanong di n’ya nakita ‘yung band aid sa kutsara or sa mangkok na sabaw bago sya kumain. Medyo wierd ah.”

Loading...