Concerned Netizen, Naawa sa Kambal na Baby na Dinurog na Saging lang ang Kinakain, Humihingi ng Tulong.

Ang pagbuo ng sariling pamilya ay hindi isang biro lamang na ayon nga sa mga kasabihan ng matatanda, hindi ito pagkain na kung ayaw mo na ay pwede mong iluwa.

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Ang pagkakaroon ng pamilya ay may kaakibat na mga responsibilidad lalo na sa usaping pinansyal. Ang isang batang sanggol ay nangangailangan ng tamang nutrisyon upang lumaking malusog. Gatas, ang isa sa pangunahing kailangan nila sa araw-araw.

Subalit, may mga kababayan tayong lubhang mahirap at hindi kayang bumili ng gatas para sa kanilang anak. Katulad na lamang ng kwento ng netizen na ito kung saan siya mismo ay naawa sa kambal na bata na pinapakain ng dinurog na saging ng kanilang ina imbes na ito ay gatas.

Ayon sa post ni Joy Ruth Mallari Cortes, humihingi sya ng tulong na mabigyan ng gatas ang kambal na baby dahil dinurog na saging lamang ang pinapakain sa kanila ng kanilang ina dahil wala na umano silang gatas.

Ayon pa kay Cortes ay may isang concerned citizen na kumupkop sa mag-iina dahil binaha pala ang mga ito at wala na umanong naisalba.

Ang address nila ay 430 Cacho street Balite Rodriguez Rizal Marites.

Narito ang kabuuang post ni Joy Ruth Mallari Cortes sa kanyang Fb account:

Sa mga nagbibigay po ng milk dyan bka nmn po pwede bigyan si baby dinurog na saging lng po pinapakain ng nanay dahil wala npong gatas

may kumupkop po sa kanila concerned citizen dahil po binaha cla walang naisalba

kambal po cla.

Loading...