Bride, Nakiusap sa Kanyang Groom na Yakapin ang Ex-bf sa Mismong araw ng Kanilang Kasal sa Huling Pagkakataon.

Sa ating paglalakbay sa buhay, wag nating kalimutan ang mga nakaraan dahil may malaking papel sila sa ating kasalukuyan. Marami tayong aral na nakuha sa mga lumipas na taon at sa mga taong ating nakasama na naging daan para magtagumpay at maging matatag tayo sa kasalukuyan.

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Kaya sa isang relasyon, di maiiwasang mapag-usapan ang mga nakaraang tao na naging parti din ng buhay mo, pero hindi dapat ito maging isang malaking balakid para sa ika sasaya ng iyong bukas.

Sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib, may mga pagkakataong umaatend pa nga ang kanilang mga ex’s tanda na naging mabuti na silang magkaibigan.

Pero tila naging kakaiba ang ginawa ng bride na ito at hiniling sa kanyang groom sa araw ng kanilang kasal.

Sa isang clip na unang nai-upload ng user na @mayangkumay sa Tiktok, makikita ang isang bride at groom.

Ilang sandali sa clip, isang lalaki na panauhin ang lumapit sa mag-asawa upang batiin sila sa napakahalagang araw sa kanilang buhay.

Sa katunayan, siya ay ang dating kasintahan ng bride. Ang bawat tao sa hall ay na curious kung ano ang maaaring maganap sa pagitan ng tatlo kaya’t napagpasyahan nilang kuhanan ng video sa sandaling ito.

Ang lalaki ay unang nag abot ng kanyang kamay sa bride. Pagkatapos, ang bride ay lumingon sa kanyang lalaking pakakasalan habang tinaas ang kanyang hintuturo at humingi ng pahintulot kung maaari niyang yakapin ang kanyang dating nobyo para sa huling pagkakataon.

Bagaman nag-aalangan, nagawa pa rin ngumiti at tumango ng groom, isang kilos na hudyat ng kanyang pag-apruba para sa hindi inaasahang kahilingan ng kanyang nobya.

Pagkatapos ng isang maikling sandali, ang lalaki ay lumingon sa lalaking ikakasal upang mag abot din ng kanyang pagbati sa kanya. Nag-hook pa ang dalawa at niyakap din ang isa’t isa.

Pinupuri ngayon ng mga tao ang groom para sa kaniyang napakahusay na ugali at hindi hinayaan ang anumang insecurity na makasira sa kanyang pag-ibig sa kanyang bride.

Kung sabagay, ang dating nobyo ay bahagi na lang ng nakaraan at siya ang kasalukuyan at hinaharap ng kanyang minamahal na asawa.

@mayangkumayBalas @nikennalee well netizen yg terhormat semua bebas berpendapat dipersilahkan 😅 #fyp

♬ original sound – Mayangkumay

Loading...