Basurero mula Angeles City, Pinabihisan at Ginupitan ng isang Artist, Umani ng Papuri sa Social Media.

Talaga ngang ang pagbabago ay isang parti ng ating buhay na kailanman ay hindi natin kayang pigilan. Ngunit marami sa atin ang humahangad ng pagbabago sa positibong resulta na ika-uunlad ng ating buhay.

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Mayroon kasing mga pagbabago sa buhay ng tao na imbes na magresulta ng maganda ay tila pa dinidiin ang tao sa kahirapan. Mga pagbabago ng ugali ng mga taong mahal natin, sa maganda patungo sa parang walang pakialam na ugali.

Di lamang pagbabago ng ugali, kundi isa na dito ay ang pagbabago rin ng itsura at postura. May mga tumanda na itsura kahit nasa batang edad pa at mayroon namang parang hindi tumatanda sa pagdaan ng panahon.

Subalit isang trending post sa social media kamakailan ang nagpahanga sa tao dahil sa kakaibang transpormasyon ng basurero mula sa Angeles City sa pagiging parang celebrity sa kagwapuhan.

Siya ay kinilala kay Dennis Pascual mula Angeles City.Isinailalim di umano siya sa isang full makeover ng hair and make-up artist na si Richard Strandz. Hindi maaaninag ng sinuman na isa palang basurero si Pascual dahil sa gwapo at ganda ng pagkaka-makeover dito ni Strandz.

Matapos itong gupitan at bihisan ay lumitaw ang natural na ganda ng mukha ni Pascual na talaga namang ikinamangha ng nga netizens. Ani ng mga ito, kamukha umano ni Pascual ang ilang mga celebrity hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa Hollywood. Sa photoshoot nga na ginawa rito ni Strandz, aakalain mong isa itong propesyunal na model dahil sa galing at pagiging natural ng kinalabasan ng mga larawan ni Pascual.

Ayon sa maraming mga netizen, isa umano sa mga kamukha nitong lokal na artista ay si Jake Cuenca. Kung hindi man, mukhang ganito umano ang magiging mukha ni Cuenca kapag mas tumanda na ito. Samantala, mayroon ding iba nagsasabi na kamukha rin umano nito si Mayor Isko Moreno na dati ring artista bago pumasok sa pulitika.

Samantala, ayon naman kay Strandz ay plano raw nitong i-enroll si Pascual sa isang gym upang kahit papaano rin ay mas mapanitili raw nito ang kanyang maayos na pangangatawan.

Heto naman ang ilan sa naging komento at reaksyon ng mga netizen tungkol sa nakakamanghang transformation na ito ni Pascual:

“Sometimes, all we need to do is to give someone compassion, a second chance to rebuild his self. Lack of opportunity sometimes limits us to meet our highest potential. God bless this man. I hope he can find a more decent job.”

“He has an uncanny resemblance of some hollywood actors like Luke Evans, Matt Damon, Antonio Banderas, Jean-Claude Van Damme and Hugh Jackman… Gwapo physically.”

Loading...