Ang Love Story ng Isang Lazada Rider at Online Shopper na Ikinasal Kamakailan Lang Nagbigay ng Kilig sa Madla.

Ang pag-ibig nga ay kusang dumarating sa tao sa hindi inaasahang pagkakataon at oras. Dahil sino nga ba ang mag-aakala na ang isang rider ay makatagpo ng kanyang kapareha dahil sa kanyang trabaho?

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Ang istorya nila ay nagdala ng kilig at inspirasyon sa marami, na kamakailan ay nagdiwang sila ng kanilang pag-iisang dibdib.

Lazada rider ang lalaki at isa namang online seller na suki nito ang babae na mula sa Asingan, Pangasinan.

Hindi lamang si online seller na kinilala kay Jhasin May Benito ang nagandahan sa ugali ni rider Marlon Cajucom, kundi pati ang nanay din nito.

Unang naging suki ni Marlon ang nanay ni Jhasin na si Mary Grace Benito. Regular na kustomer nito ang ginang mula pa noong Oktubre nang nakaraang taon. Napabilib daw umano kasi si Mary Grace sa rider dahil sa pagiging masikap nito at pagpupursige sa buhay.

“One time, nakapagdeliver po ako sa kanila ng late na. Nagulat sila, nagtataka sila na late na nagdedeliver pa ako noong time na yun. Natanong ako ni Mama Grace kung may asawa na ako, sabi ko wala pa po…

“Bakit daw ang sipag sipag ko, eh, wala pa naman daw ako binubuhay. Ang sagot ko po noong time na ‘yun, kasama ko po sa pangarap ‘yung magpursige sa buhay,” pagbabahagi pa ni Marlon tungkol dito.

Nagustuhan umano ng ginang ang pagiging pursigido ni Marlon sa buhay kaya ipinakilala niya ito sa kanyang anak na si Jhasin. Mula dito ay nabuo na nga ang ligawan at pagmamahalan ng dalawa.

Ayon kay Jhasin, kahit noong nanliligaw pa lamang umano si Marlon ay ipinaramdam na nito sa kanya ang pagiging maalaga at ang pagmamahal nito sa kanya. Kay naman, di rin nagtagal ay nahulog ang loob ni Jhasin para kay Marlon.

“Sa ibang ex ko kasi, siya talaga ‘yung mararamdaman mo talagang ‘yung care niya tapos talagang pursigido po siya. Sobrang effort po siya noong nanliligaw siya sa akin…

“Kahit sobrang busy siya, nagdedeliver [pa rin] ng flower sa bahay tsaka ramdam mo naman talaga ‘yung love,” kwento naman ni Jhasin tungkol kay Marlon.

At hindi rin nagtagal ay nauwi na nga sa kasalan ang pag-iibigan ng dalawa nito lamang Martes, ika-26 ng Enero. Ikinasal ang mga ito ni Asingan, Pangasinan Mayor Carlos Lopez Jr.

 

Loading...