Amang Paralisado ang Kalahating Katawan, Itinataguyod ang Pamilya bilang Isang Mekaniko

Isang malaking sampal ito sa mga taong kurakot, at gumagawa ng hindi mabuti sa kanilang kapwa para lamang magkaroon ng salapi. Nag trending kamakailan ang isang post kung saan tampok ang paralisadong ama.

You May Also Read:

Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.

Pasahero, Nabahala sa Kasamang Babae dahil Sa mga Gold at Pera nito na Nakalabas sa Bag, Pero ” SANA ALL” daw.

Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita

Hindi na maigalaw ni tatay ang pang-ibaba at kalahati niyang katawan, subalit nakakahanga siya dahil sa kabila nito pinakita niyang hindi ito naging dahilan upang huminto siya sa buhay. Patuloy parin siyang nag tatrabaho bilang isang magiting na mekaniko upang maitaguyod ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Pinagmumulan siya ngayon ng inspirasyon at hinahangaan ng karamihan dahil sa angking kabaitan at kasipagan kahit pa sa pisikal nitong kalagayan.

Makikita sa mga larawang ibinahagi na kayang-kaya niyang gumawa ng kahit ano-anong mga sira mapamalalaking sasakyan man yan hanggang sa pinakaliit na mga gamit na kaya niyang kumpunihin at ayusin.

Isang folding bed din ang tangi niyang sandigan pag siya’y may ginagawa. Ito na din mismo ang nagsilbi niyang sandalan sa araw-araw na pagtatrabaho bilang isang haligi ng tananan.

Dito na din siya tinutulungan habang pinaliliguan ng kanyang mapagmahal na Asawa, na ‘di tulad ng iba na kapagka may malaki ng problema o may pinagdadaanang sakit ang asawa imbes na samahan at alalayan ay mas pinili pang umalis at iwanan ang pamilya.

Kahit pa mahirap sa tingin ng marami, walang hindi kakayanin pag palaging nakasuporta at nakaalalay ang pamilya sa paghahanapbuhay.

Iniidolo ng mga natizen ang kanyang angking sipag kahit pa sa klase ng trabaho niya bilang isang mekaniko, na nangangailangan minsan ng buong lakas ng buong katawan ay nakayanan niya padin ang lahat, tunay na nag-uumapaw ang pagiging responsable niya bilang Ama.

 

Loading...