Trending si Kapitan, Matapos Ihagis sa Pader ang Lalaking Hindi Nagsuot ng Face Shield.

Di maikakaila na malaki ang naging negatibong epekto ng pandemya sa ating bansa. Marami ang nawalan ng trabaho at mga nagsarang kompanya dahil sa pagkalugi sa negosyo. Babagsak ang ekonomiya ng bansa kung patuloy itong mananalanta dahil walang mapagkukunan ng hanapbuhay ang tao kapag manantili sa kani-kanilang tahanan.

You May Also Read:

Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.

Multi-Millionaire na German, Naghahanap ng 10 Mababait na Titira sa Kanyang ‘Paraiso’ sa New Zealand.

Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan

Kaya isang nakitang solusyon ng Pamahalaan na payagan ng bumalik sa trabaho ang mga tao maliban sa kabataan at mga may edad, subalit dapat na sundin ang inihaing protokol na palaging mag observe ng social distancing, mag face mask at face shield. Sa ganitong paraan mapoproteksyonan ang ating katawan.

Subalit paano kung hindi mo ito masunod? Mayroong mga katapat na parusa ang bawat lugar sa mga taong mahuhuling naglalabag nito.

Ngunit, kamakailan ay may balitang naging laman ng usap-usapan sa social media, ito ay ang paghagis sa pader ng isang kapitan sa lalaking hindi nagsuot ng face shield.

Makikita di-umano sa video na binuhat at hinagis sa pader ng kapitan ang isang lalaki. Ang dahilan umano ay hindi pagsusuot ng face shield ng lalaki kaya nagkaroon ng hidwaan ang dalawa.

Ang video ay ibinahagi noon pang pasko December 25 at umabot na nga ng 64,000 ang share nito.

Ayon sa caption ng post, “Face mask lang suot ni kuya walang face shield kaya hinampas sa pader ni Brgy. Captain si kuya. Kalahati pa raw ‘yan ang nilabas na lakas ni Brgy. Captain paano na siguro kung nilabas lahat baka lumampas si kuya sa pader ng Brgy. hall. Share natin para makarating kay idol Raffy Tulfo.”

Wala pang kompletong detalye ang nagyaring insidente. Sa ngayon, hindi pa naririnig ang panig ng kapitan kung bakit umabot sa ganoon ang pangyayari.

Hindi rin natukoy kung sino at saang barangay nangyari ito. Sa ngayon ay hindi na mahagilap ang nasabing video.

Samantala, nagalit naman ang mga netizen sa ginawa ng kapitan. Kinondena ng marami ang pananakit ng kapitan sa lalaki.

Loading...