Scientists, Inaalam ang Susi para Mapabagal daw ang Pagtanda ng Tao, May Nadiskubre silang Kat7 gene, at Positibo ang Resulta.

Noong unang panahon daw, umabot ang edad ng tao sa 200 taong gulang at namumuhay ng matagal dito sa sanlibutan. Sa ngayon sa ating modernong panahon, ini-estimate na ang lifespan ng tao ay mga nasa 60-70 taong gulang na lamang.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Marami sa ngayon ang namamatay sa edad na 50 pa lamang. May mga sinasabing factor umano kung bakit umiksi ang buhay ng tao, tulad na lamang ng mga kemikals na nilalagay sa ating mga kinakain, mga epekto ng gadgets kung saan hindi na masyadong na exercise ang ating katawan.

Kaya may balitang lumalabas na sa ngayon na tinututukan ng mga Scientist sa China ang posible umanong sagot para mapabagal ang pagtanda ng isang tao at mapahaba ang buhay nito.

Sa ulat ng Reuters, sinabing nakabuo ang isang grupo ng biologist sa Chinese Academy of Sciences ng world-first new gene therapy at sinusubukan na nila ito sa mga bubuwit.

Chinese scientists, sinusubukan na ang susi para mapabagal daw ang pagtanda  ng tao

Sinuri nila ang nasa 10,000 genes na may kaugnayan sa cellular ageing. Sa naturang bilang, 100 genes ang nakitaan nila ng potensiyal ay may isang katangi-tangi na tinawag nilang “Kat7.”

Ang Kat7 gene, inilagay nila sa atay ng bubuwit.

Chinese scientists, sinusubukan na ang susi para mapabagal daw ang pagtanda  ng tao

“These mice show after six to eight months, they show overall improved appearance and grip strength and most importantly they have extended lifespan for about 25%,” ayon kay Professor Qu Jing.

Ang Kat7 ay isa sa libu-libong genes na makikita sa cells ng mga mammal.

Sinusubukan din nila ang bisa ng gene sa stem cells ng tao, human liver cells at iba pa.

Wala pa naman daw nakikitang side effects sa cellular toxicity.

Sa kabila nito, matagal pang pag-aaral ang kailangan gawin at malaking pondo ang kailangan bago ito subukan sa tao.

SOURCE: GMA News

Loading...