Naranasan mo na bang Matinik sa Lalamunan? Ito ang Paraan Upang Mawala Ito.

Kahit anong ingat natin, di pa rin natin maiiwasan ang mga aksidente, maliit o malaki man ang epekto nito sa atin. Kaya mas mabuting may alam tayo sa maging solusyon sa mga ano mang posibleng mangyari.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Minsan kahit sa ating pagtulog, mayroong mga hindi na nagigising, hindi ibig sabihin na hindi tayo nag-iingat. Kapag tayo ay kumakain, may mga pagkakataong natitinik tayo, at talagang masakit ito kapag hindi nabigyan ng solusyon kaagad.

Kung naranasan mo na ito at nagbabalak ka na tanggalin ng sapilitan sa pamamagitan ng pagsuka ng lahat ng iyong kinain, hindi ito ang nararapat na gawin sapagkat maaaring mairritate ang inyong lalamunan.

Para matanggal ang tinik sa iyong lalamunan, subukan ang mga paraan na ito:

1. Mas mainam daw na kumain ng isang malaking kagat na saging at wag ito nguyain. Biglain ng lunok ang saging upang mapasama ang nakabarang tinik sa iyong lalamunan.

2. Kumuha ng kanin at bilugin ito, pagkatapos ay lunukin ng buo upang sa pagdaan ng kanin sa lalamunan ay matanggal na ang tinik ng isda.

At kung ikaw naman ay maghahanap ng mga kasagutan sa pamamagitan ng pagbrowse sa internet, ito ang maaaring ibigay sa iyo na payo kapag ikaw ay natinik sa pagkain ng isda:

3. Bumili ng tinapay na malambot kagaya ng mga sliced bread, pagkatapos ay pindot pindutin ang tinapay hanggang sa maging solid at mawala ang hangin. Lunukin ang tinapay.

4. Bumili ka ng marshmallow at kumain ng kumain nito hanggang sa mawala at mapasama ang tinik.

Kung ang mga sumusunod na payo na nakasulat dito ay hindi pa din umeepekto at ang tinik ay nananatili pa din sa iyong lalamunan, mas mainam na bumisita na agad sa Doktor para sa mas mabuti at ligtas na pagsasagawa ng treatment.

Loading...