Nanay Ng Isang Netizen,Umorder Ng Cabinet Online Sa Halagang P700; Nadismaya Nang Ito’y Dineliver.

Naging kilala na ngayon ang mga shopping app na Shoppee at Lazada, kung saan ay makakapamili ka ng iyong mga bibilhin na minsan ay mas mura pa kaysa mga pamilihan, at ang maganda pa nito ay e dedeliver mismo sa pintuan ninyo.

Maraming mga pakulo ang mga online shopping app na ito upang maka agaw pansin sa mga customer at isa na dun ay ang mga free shipping, mga points na pwedeng gamiting pambili ulit at malakihang discount kada buwan. Kaya sino nga ba ang hindi mapapa order niyan?

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Subalit, kung may maganda itong naidudulot, mayroon din namang masama at nakakadismaya na karanasan sa pagbili online dahil hindi lahat ng mga seller duon ay matapat at totoo sa kung ano man ang kanilang pinopost kumpara sa dinideliver nila.

Katulad na lamang sa naging karanasan ng Nanay ng isang netizen na ito matapos bumili ng kabinet online sa murang halaga na P700.00

Ang cabinet na nakikita ninyo sa larawan ay isang cute na cabinet. Masasabing cute ito dahil cute size din ang kanyang naturang size. Ngunit, alam niyo ba na nabili ito ng isang momshie netizen natin sa halagang Php700 pesos?

Ayon sa facebook post ni Gio Lumines ay nahumaling daw ang kanyang mommy sa pag-oonline shopping at doon nya na nga nakita ang isang cabinet. Nagandahan daw at namurahan ang kanyang mommy kaya naman ay inorder niya agad ito nabili sa halagang Php 700+ na kadalasan ay nasa 1k ang presyo nito.

Naging trending ito online matapos ito maipost sa socmed. Habang nadismaya ang momshie netizen natin ay umani naman ito ng “HAHA” reactions mula sa ibang netizens dahil sa cute size ng cabinet na ito na halos isang dangkal lang ang laki.

Kaya naman ingat ingat tayo sa pamimili online mga beshies! Sa panahon ngayon na bukod sa pag iingat sa pagkakaroon ng sakit ay dapat din tayong mag-ingat sa mga taong manloloko na ang tanging hangad lang ay makapanloko at kumita ng pera. Sana ay hindi kayo nakaranas ng ganitong mga eksena, maging wais po tayo sa pamimili natin online.

Loading...