Magkapatid Parehong Asawa ng Isang Lalake: “Mahirap pumili. Mahal ko sila pareho.”

Ayon nga sa kasabihan ng iba, ang Puso ng tao ay ginawa na isa lamang dahil nakalaan lamang ito sa isang taong kanyang mamahalin habambuhay.

Subalit, may mga narinig tayo na balita at tunay na pangyayari na may mga naghihiwalay na mag-asawa, dahil marahil daw ay hindi sila itinadhana sa isa’t-isa.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Ngunit paano kung pinagsama mo ang dalawang babaeng mahal mo? matatawag mo bang tunay at wagas ang pag-ibig na binibigay mo sa kanila?

Isang kakaibang kwento ang ngayon ay nag viral sa social media tungkol sa magkapatid na babae mula sa Mindanao na iisa ang Lalaking tinitibok at iniibig ng kanilang mga puso na ikinagulat naman ng mga netizens.

Ang bunsong kapatid ni Julieta na si Juliet ay umiibig rin sa asawa nitong si Mang Danny.

Aminado si Julieta na matagal na niyang napapansin ang minsa’y malagkit na titigan ng kanyang asawa at ng bunsong kapatid, hinayaan niya lang ito hanggang sa dumating ang punto na nahuli niya sa akto ang dalawa.

“Noon pa man, may napapansin akong kakaiba. ‘Yung titigan nila, parang may something! Pero binalewala ko. Hanggang sa nahuli ko na sila,” saad ni Julieta sa panayam nito sa Kapuso Mo, Jessica Soho, isang TV News broadcast ng Kapuso Network.

“Nahuli ko sa akto ‘yung mister ko at ‘yung bunsong kapatid ko na may ginagawang milagro!”

Ngunit dahil mahal niya ang asawa niyang si Danny at ang kapatid na si Juliet, nagawa niyang magsakripisyo at pumayag na magsama sila sa isang bubong.

“Close kami ng kapatid ko tapos ganoon pa nangyari. Sa una, masakit. Pero kinailangan kong magsakripisyo. Kaya ako, ‘yung mga anak namin ni Danny, ‘yung kapatid ko at ang lima niyang anak kay Danny, nakatira kaming lahat sa iisang bubong!”

Kasama na ng mag-asawa si Juliet sa bahay nila, siya ang niiwan at gumagawa ng mga gawaing bahay at nag-aalaga ng kanilang mga anak.

“Habang nagtatrabaho noon si Ate at si Danny, ako ‘yung naglalaba, nagsasaing, nag-aasikaso sa anak nila.”

Kwento naman ni Juliet na kung minsan ay habang pumapasok sa trabaho ang Ate niya, sila ni Mang Danny ang naiiwan sa bahay at magkatulong sa pagbabalat ng mga mais.

Ramdam din niya ang kakaibang pakikitungo sa kanya ng kanyang bayaw na naging sanhi kung bakit nahulog din ang loob niya at kalaunan ay nagkakaibigan na.

“Hanggang nahulog akong tuluyan kay Danny. Siyempre, mahal ko ang Ate ko. Pero mahal ko rin si Danny. Okay lang sa akin na may kahati ako.”

Nahirapan namang pumili si Mang Danny sa kung sino sa dalawa ang iibigin niya. Aminadong nakokonsensya siya naging kahinatnan ng kanilang pag-iibigan.

“Nakonsensya at nahiya ako sa ginawa ko. Pero mahirap kung pipili. Mahal ko sila pareho.”

Marami naman sa mga netizen ang nagulat at nagbigay ng kanilang opinyon tungkol aa naging kwento ng pag-ibig nila Julieta, Danny at Juliet.

Loading...