Lalaki, Kumita ng Malaki sa Video na may 4 Million Views Matapos‘Tumunganga’ sa Loob ng 2 Oras.

Malaki ang naitutulong ng social media sa mga tao, hindi lang simpleng libangan ito kundi naging malaking source na rin ng income para sa iba.

Mayroong tinatawag na mga blogger/vlogger na gumagawa ng mga video at ibang content tapos ay e-momonetize sa pamamagitang ng ilang mga kilalang advertiser company.

You May Also Read:

Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.

Multi-Millionaire na German, Naghahanap ng 10 Mababait na Titira sa Kanyang ‘Paraiso’ sa New Zealand.

Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan

May mga content na pinag-iisipang maigi upang maging kapaki-pakinabang naman sa mga nagbabasa at nanunuod, hindi lamang para sa malakihang kita, kundi dapat ay kapupulutan din ng aral.

Subalit, marami ang napa-reak sa ginawa naman ng lalaking ito na tila kabaligtaran sa mga vision ng ilang mga blogger/vlogger.

Ang ginawa ng lalaking ito ay nag-upload lamang ng 2 oras na video na kung saan siya ay nakatunganga lang at walang ginagawa.

Kinilala siyang si Russell Peters, isang vlogger at komedyante. Mayroon siyang Youtube account na Sobat Miskin Official na kung saan pinag-uploadan niya ng kaniyang hindi inaasahang video.

Nasa loob lamang siya ng isang kwarto, nakasuot ng itim na t- shirt habang nakaupo sa gilid ng kaniyang kama at nakatitig lamang sa camera sa loob ng dalawang oras.

Sa unang tingin ay maiisip ng iba na may mangyayari sa naturang video dahil nga sa haba nito.

Ngunit sa ilang segundo ng panunuod sa video, hindi man lang kumikilos ang lalaki.

Lumalabas na sa buong durasyon ng video ay wala talaga siyang ginawa na kahit na ano kung hindi magpapalit palit lang ng posisyon kung siya man ay nangangawit.

Ang tila walang ka-kwenta kwentang video na nakakaaksaya lamang ng oras ay umani ng 900k views!

Sino nga naman baa ng mag aakala na ang ganitong video ang tatangkilikin ng mga tao. Halo- halong reaksyon ang natamo ng video na ito.

Gayun pa man, kahit walang ka-kwenta kwenta ang video, ang sigurado dito ay kumita pa siya dahil dito.

Loading...