Lalaki, Bumili Ng ‘Roses’ Na Beddings Para Sorpresahin Ang GF, Pero Nakakatakot ang Kinalabasan

Mas lalong nai-inlove ang mga babae sa mga lalaking romantiko at may effort sa kanilang relasyon. Naniniwala sila na wagas at tapat ang pagmamahal ng isang lalaking nagbibigay atensyon at halaga sa kanilang pagsasama.

Kaya sa kagustuhan ng lalaking ito na paligayahin ang kanyang girlfriend sa romantikong pamamaraan, ginawa niya ang akala niyang “the best” na paraan para ma sorpresa ang nobya, subalit imbes na matuwa ay nadismaya siya sa naging kinalabasan.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Pagsasalaysay niya, sinubukan nya di umano na bumili ng bagong puting kobre-kama upang gawing kahali-halina ang kaniyang silid-tulugan. Dinagdagan pa niya ito ng pulang rosas katulad ng nakikita karamihan sa internet kung saan isinasambulat ang mga talulot ng rosas sa kama, o maaari ring gumawa ng mga hugis o disenyo na angkop sa gusto ng tao.

Kadalasang ginagawa ang ganito sa mga lugar kung saan nagde-date ang mga magkasintahan o mga mag-asawa. Subalit mas sikat ang ganitong pamamaraan sa mga bagong kasal na nasa honeymoon. Ang ganitong istilo ay patok sa mga tuluyan kagaya ng honeymoon suite sa isang hotel.

Ngunit hindi naging romantiko ang kinalabasan ng ginawa ng lalaki, kundi tila isang senaryo kung saan may nangyaring kr1men. Waring mga dug0 ang mga pulang rosas dahil sa kulay nito. Katak0t-tak0t at hindi kaaliw-aliw ang tagpong ito.

Matapos ipost ang nangyaring ito sa twitter account ng lalaki @JohnDonighue64, marami ang nakapansin at dinagsa ito ng napakaraming komento. Iba-iba ang kanilang sinabi, ngunit halos lahat ay nagbiro ukol sa nangyari.

Lalaki na pinagtatawanan sa pagbubutas ng kundol, nang malaman na malaki ang  kinikita nito araw-araw ay ginaya na ng marami

Ayon kay John Donoghue:

That awkward moment when you realise that your romantic new ‘white with rose bud’ bedding set makes your boudoir resemble a particularly gruesome cr1me scene…

Maaaring nasa kalidad ng sapin sa kamang binili online ang nagdulot ng problemang ito. Hindi lahat ng paglalarawan sa mga produktong tulad nito ay tama, makikita mo na lamang talaga ang totoong lagay nito pag dumating na ang biniling gamit. Isa rin itong aral sa mga mahihilig umorder online, na siguraduhing maganda ang mga feedbacks at ratings ng naunang mga customer bago bilhin ang produkto.

 

Loading...