“Isasayaw ka hanggang sa pagtanda” Lolo at Lola, Pinakilig ang Netizens at sa Sorpresa ni Lolo.

Nagbigay kilig sa netizens ang mag-asawang sweet na sweet pa rin sa kanilang pagsasayaw kahit matatanda na.

You May Also Read:

Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.

Multi-Millionaire na German, Naghahanap ng 10 Mababait na Titira sa Kanyang ‘Paraiso’ sa New Zealand.

Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan

Sa Facebook post kasi ni Claire Saldon Acaylar, agad nagviral ang video ng dalawang matanda na sweet na sweet pa rin sa kabila ng kanilang edad.

“Isasayaw ka hanggang sa pagtanda. 52 years of marriage. Sana all,” saad sa caption ng nasabing post.

Sa video, unang matutunghayan si lolo sa di kalayuan habang hawak ang isang bulaklak.

Makikitang unti-unti itong lumalapit sa kanyang kasintahan na tila biglang-bigla naman sa mga pangyayari.

Maririnig din ang sigawan ng mga nakasaksi ng kaganapan kung saan may napapasabi pang, “Sana all.”

Mas nagpakilig sa manonood ang background music ng dalawa habang nagsasayaw.

Sa kalagitnaan ng video, mapapanood ang pagsasayaw ng dalawa habang magkayakap pa at kitang-kita ang malaking ngiti ni lolo habang kasayaw niya ang kanyang irog.

Dahil nagbigay hindi lang ng kilig kundi inspirasyon sa netizens, marami ang agad nagpadala ng komento at papuri sa mga-asawa.

“Sana all ganyan hanggang sa pagtanda.. Sarap makakita ng ganito. Keep safe po sa inyo nay, tay. Godbless po,” sabi ng isang netizen.

Saad naman ng isang naging emosyonal sa video, “This video makes me cry. Ahh so sweet.”

Loading...