Isang taon na pero ‘di pa rin kita matagpuan’: Lalaki ‘hinahanap’ pa rin ang pasaherong napa Sandal sa kaniyang balikat.

May mga lovestory na nagsisimula sa mga hindi inaasahang pangyayari katulad na lamang ng simpleng pag wave sa isang messenger account, mayroon namang mga aksidente mong nakabangga sa daan at yung iba ay nakasalamuha mo sa pampublikong sasakyan.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Nag viral kamakailan ang isang nakakatuwang karanasan ng pasaherong ito sa pampublikong sasakyan kung saan ay di sinasadyang nakasandal o nakahilig sa balikat niya ang inaantok na pasahero.

Ito ay na experienced ni Arvee Rivera Estacio na kanyang ibinahagi sa social media at nagpasalamat pa sa babaeng sumandal sa kanyang balikat.

“Ate kung sino ka man, salamat at naiparamdam mo sa akin na kahit sandali lang nagka-jowa ako. Sarap ng tulog mo eh, ayaw ko na yatang pumara,” nakatutuwang caption niya sa post na nag-viral noong 2020 at muling humahakot ngayon ng likes at reactions.

Isang taon na raw ang nakalilipas subalit hindi pa rin niya ito natatagpuan. Himig pagbibiro man ito, patuloy pa rin itong kinaaaliwan at kinakikiligan ng mga netizens.

Mula sa kanyang “See your memories” sa FB ay ibinahagi niya sa panibagong post na “isang taon na pero di parin kita matagpuan”.

Kinaaliwan naman ito ng mga netizens at umani ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. May ilan pang nagsalaysay ng kanilang mga katulad na karanasan. Baka relate ka rin?

“Hahaha, nakakatuwang eksena iyan. Alam ninyo ba, diyan kami nagkakilala ng jowa ko. Napasandal siya sa balikat ko, tapos noong bababa na ako, nagkataon na doon din siya bababa. Nagkakuwentuhan kami, pasensiya na raw kasi talagang antok na antok siya, call center agent kasi. Kinuha ng mokong ang number ko. Tapos iyon, doon na nagsimula hahaha,” kuwento ng isa.

Loading...