Babaeng Sobrang Yaman-Hinangaan ng Marami, Mas Piniling Pakasalan at Mahalin ang Isang Ordinaryong Lalaki.

“No man is an Island” ayon sa isang lumang kasabihan. Lahat tayo sa mundo ay ipinanganak na mayroong kapareha, halaman, hayop, o ano mang may buhay dito sa mundo ay kailangan ito.

Isa rin sa mga kautusan ng Diyos ang magkaroon tayo ng mga anak at ito ay dapat naayon lamang sa ating makakaya. Kaya sa paghahanap ng ating kapareha na makakasama habang buhay dapat ay may pundasyong malakas na kahit anong unos na dumating sa kanilang buhay, di sila magigiba kailanman.

You May Also Read:

Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.

Multi-Millionaire na German, Naghahanap ng 10 Mababait na Titira sa Kanyang ‘Paraiso’ sa New Zealand.

Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan

Ang pagmamahal ay kusang nararamdaman at hindi madaling maipaliwanag, wala ito sa kulay, sa edad, sa estado ng buhay. Kapag mahal mo ang isang tao kahit na ano pa ang katayuan nito, ay dapat e respeto.

Kadalasan ay sinasabi nilang “be practical, hanapin ang lalaking may pera” pero hindi ito magbibigay sa iyo ng tunay na ligaya. Ang ilan ay mas binabasehan pa din ang tunay na kaligayahan at pagmamahal na mararamdaman niya sa kaniyang magiging kabiyak.

Katulad na lamang ng babaeng ito mula sa Russia na nag asawa ng isang coal miner na Tsino.

Madami ang nabilib sa naturang babaeng ito. Siya ay isang 22 taong gulang na ubod ng gandang dalaga mula sa bansang Russia.

Hindi maitatangging na maraming kalalakihan ang nabibihag niya dahil sa kaniyang angking ganda. Ngunit ang babaeng ito ay mas pinili ang lalaking tunay niyang iniibig.

Hindi na alintana sa kaniya kung ano ang estado ng buhay nito.

Ang dalagang ito ay kinilala bilang si Sophia na ikinasal sa isang simpleng coal miner na 28 anyos na lalakeng si Chen Jingyang mula sa bansang China.

Sila ay ikinasal sa pamamagitan lang ng simpleng seremonya. Hindi man engrado at magarbo, ang importante ay naroon pa din ang tunay nagmamahalan na suportado ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

Sa kaalaman ng lahat, ang pagiging isang coal miner ay simpleng trabaho lamang, hindi gaanong malaki ang sinasahod at ang lalaking ito ay walang ari- arian o sariling sasakyan man.

Sa tradisyon ng lahat, ang lalaki ang inaasahang bubuhay sa kaniyang sariling pamilya.

Ayon sa kaniyang asawa na si Sophia “I believe that love is the most important thing. We just need to work hard, and I’m sure that we’ll soon be able to buy a home and car.”

Sa buod ng kanilang kwentong pag ibig, si Sophia daw ay nagsimulang magkaroon ng interes sa kultura ng mga Tsino kaya naman nag aral siya sa unibersidad sa Heihe, China para mag aral ng lengguwaheng Chinese.

Nang matuto ay bumalik na siya sa kaniyang sariling bansa at doon, nakilala niya si Chen sa pamamagitan ng WeChat. Di nagtagal ay nagkapalagayan ng loob at hindi namamalayan ang oras na kanilang ginugugol sa isa’t isa.

Bilang panliligaw, si Chen ay nakikisuyo sa kaniyang kaibigan na nakatira sa syudad upang bigyan ng bulaklak ang minamahal niyang Sophia na galing din naman sa kaniyang pera.

Hindi nagtagal ay hindi na din nakatiis si Sophia. Lumiban siya sa kaniyang trabaho upang makasama si Chen kahit na isang lingo pa lamang sila nakakapag usap sa chat.

Masaya daw si Sophia na makasama sa minahan si Chen. Dahil sa saying naramdam, si Sophia ay tumira kasama ang lalaking kaniyang minamahal. Hindi na daw alintana sa kaniya ang mga daga at palaka doon. Ang mahalaga ay kasama niya si Chen kung saan naramdaman niya ang tunay na pag mamahal.

Loading...