Babaeng May Kakaibang Karamdaman, Kumakatok ng Tulong na Mapansin ng May Busilak na Kalooban para Matulungan.

Isa sa mga hinihiling natin tuwing sasapit ang bagong taon ay ang pagkakaroon ng mabuting pamumuhay at malusog na pangangatawan. Dahil ang kalusugan ay talagang ating kayamanan. Masasabi nating maswerte tayo kapag nakita natin na may mga taong mas nangangailangan ng tulong at nasa di magandang sitwasyon.

You May Also Read:

Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.

Multi-Millionaire na German, Naghahanap ng 10 Mababait na Titira sa Kanyang ‘Paraiso’ sa New Zealand.

Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan

Katulad na lamang sa ibinahaging larawan ng netizeng si Tony Pastillas Jr., siya ay humhingi ng tulong sa mga taong may busilak na kalooban na matulungan ang kasalukuyang sitwasyon ng kanyang kapitbahay at anak ng kanyang ninang na si Robelyn Jimenez na tubong Sitio Bliss Calumpang Naval Biliran.

Ayon kay Tony, matagal na pala na karamdaman ito ng kanyang kapitbahay at tila kakaiba sa karamdaman ng iba, siya ay si Robelyn na simula pa pagkabata ay naging ganito na ang kanyang kalagayan.

“Hi mga ka fb friends gusto nya pong humingi nang tulong sa inyo para po matanggal ang kanyang mabigat na daladala since birth...” ayon kay Tony.

Ayon pa sa pagbabahagi ni Tony, may dalawang anak umano si Robelyn dahilan ng hindi nito masyadong maalagaan dahil sa bigat ng kanyang dinadala at maging umano sa kanyang dibdib at likuran ay kumakalat na ang hindi malaman na kanyang karamdaman.

“Hello po sa lahat kumakatok po ako sa inyong mga puso at humihingi ng tulong para sa anak ng ninang ko nakakaawa po talaga sya dahil nahihirapan sya lalo na may dalawang anak sya. mabigat po ang dinadala nya lalo na ng malaman nya na pati Dede nya ay kinain narin at likod ng kanyang dinadala.” pagbabahagi ni Tony.

Nawa ay matulungan si Robelyn at sa simpleng share ng ating mga kababayan baka may maka pansin na taong may mabuting puso at mabigyan siya ng agarang tulong.

Loading...