Babaeng Iginuhit Ang Kaniyang “Dream Boy” Noon,Ikinagulat ng Lahat ng Napangasawa Ang Kamukha Nito.

May mga lumang kasabihan na, Kung kayong dalawa ang itinadhana kahit ano pang mangyari ay pagtatagpuin kayo ng panahon. Marami naman sa ngayon ang di sang-ayon sa mga kasabihang patungkol sa tadhana at mga taong nakalaan daw sa isa’t-isa.

Marami na kasi tayong natunghayan na mga relasyon na nagtagal ng isang dekada at naniniwalang sila na nga ang magsasama habambuhay, pero isang pikit mata lamang lahat ito ay nagunaw at nauwi sa hiwalayan.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Ano nga ba ang basehan ng tao para masabing nakatadhana ito sa iyo? Tunghayan naman ang isang kakaibang kwento patungkol sa lalaking kanyang napangasawa na di umanoy kamukha ng kanyang iginuhit na lalaki.

Ayon kay Ariadne, mayroon siyang best friend noong elementary, si Unis. Mahilig silang gumawa ng mga kwento at drawings tungkol sa iba’t ibang mga bagay.

Taong 2005-2006, napag-usapan nilang magkaibigan na iguhit ang larawan ng lalaki na gusto nilang makasama habambuhay, o dream boy. Pero dapat, hindi pa nila nakikita iyon o idrawing ang sinumang nagugustuhan nila. Dapat na galing iyon sa kanilang imagination.Nang maglaon, nagkahiwalay ang magkaibigang sina Ariadne at Unis ngunit nanatili silang magkaibigan.

Nang mag-debut ang kaibigan ni Unis na si Ariadne, laking gulat niya na makita ang Isang lalaki na halos kamukha ng iginuhit na dream boy ni Ariadne noong elementary pa sila.
Agad na sinabi ni Unis kay Ariadne ang tungkol sa lalaki at sa iginuhit niyang dream boy noong elementary sila. Talagang magkamukha sila anupat aakalain na kakaguhit lang iyon ni Ariadne pagkatapos niya siyang makilala. Ang pangalan ng lalaki ay Larnille Chua Daluz.

Nakadagdag hiwaga pa dito, nakilala lamang ni Ariadne si Larnille taong 2011, samantalang iginuhit niya ang kaniyang dream boy noong taong 2005 to 2006. Halos 5 taong pagitan iyon.
Di nag-tagal, nagkagustuhan din sina Ariadne at Larnille at sa kalaunan ay nagpakasal. Kaya naman, sa kanilang pananaw, nakatadhana sila sa isa’t isa.

Marami ang na-amaze sa kuwento ni Ariadne dahil naiguhit niya ang kaniyang future husband noon pang grade 6 siya. Nagbiro naman ang kaibigan niyang si Unis na kailangan niyang makita ang iginuhit niyang dream boy niya para makilala na niya ito at mapakasalan.

Naging agaw atensyon din ito sa mga netizens at gustong sundin ang ginawa ni Ariadne sa paniniwalang baka makita din nila ang soulmate nila. 🙂

Loading...