Amang Bulag, Ginagabayan ng Anak na Paslit Upang Makapagtrabaho sa Niyugan ng Buong Araw.

Hindi napigilan ng mga netizens ang mapaluha sa kwento ng mag-amang ito sa social media. Dahil katulad ng mga typical na magulang, sila ang gumagabay at humuhubog sa kanilang mga anak tungo sa magandang kinabukasan.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Ang mga magulang ang siyang lakas ng mga anak at sandigan sa bawat araw na nagdaan. Sila ang nagbigay buhay sa mga ito at sila rin ang aalalay hanggang sa kanilang paglaki.

Subalit ang matutunghayan nating kwento ng buhay ay kakaiba sa mga inaasam na magulang ng isang bata. Sa literal kasi na pahayag, imbes na ang ama ang siyang gagabay sa kanyang anak, tila kabaligtaran ang pangyayari sa buhay nilang mag-ama, makikita kasi na ang batang paslit na babae ang nagsisilbing mata ng kanyang ama.

Naging laman ng social media ang kwento ni Nelson “Dodong” Pepe. Isang may kapansanan pero hindi naging hadlang para kumita ng salapi at matustusan ang kanilang pang araw-araw. Nagtatrabaho si Mang Pepe sa niyugan kahit na siya ay bulag.

Ang kanyang anak na paslit na si Jenny ang siyang naghahatid sa kanya patungo sa kanyang trabaho, tanging kahoy ang naging paraan ni Jenny upang magabayan ang ama sa paglalakad mula sa kanilang tahanan.

Nandyan palagi si Jenny na tumutulong sa kanyang ama tuwing kakain at iinom ito ng tubig habang nagtatrabaho. Mga nasa 60 puno ang inaakyat ni Mang Pepe araw-araw at kumikita ng P300.00. Hinihintay naman ng kanyang anak si Mang Pepe hanggang sa makauwi sila sa kanilang bahay pagkatapos ng trabaho.

Naibalita ito sa ABS-CBN Network at marami ang nagpahayag na bibigay ng tulong sa mag-ama, kabilang na ang nasabing network na nagbigay ng livelihood training kay mang Pepe. May mga nangako rin na tutulong sa pag-aaral ni Jenny ng sa ganun ay hindi na sila mahihirapan pang mag-ama.

Loading...