“Teka lang, Nagmamadali?”Bagong Silang na Sanggol, Viral Dahil sa Kakaiba Nitong Reaksyon sa Paglabas.

Sa panahon ngayon madali nang ma e record ang masasayang ala-ala at mga minsang pangyayari sa ating buhay, ito ay dahil sa mga makabagong teknolohiya. Noong unang panahon, halos wala tayong mga litrato ng ating kabataan dahil hindi ganito kabilis ang paglago ng teknolohiya.

You May Also Read:

Lalaki Mula Negros, Naninirahan sa Ilalim ng Bato dahil wala ng Pamilya.

Netizen, Nagbigay Babala sa Pagbili ng Ubas at Mansanas sa Mas Murang Halaga.

Babaeng Nagparetoke ng Ilong, Di Alam Na Nawala ang Isang Parte ng Kanyang Tenga na Ginamit sa Operasyon.

Subalit sa panahon ngayon, halos lahat ay abot kamay na natin at mas napadali ang ating mga gawain. May mga ala-ala na sarap balik-balikan at magandang e kwento sa ating mga kaibigan at kamag-anak, isa na rito ay yung mga panahon ng iyong kapanganakan.

Kaugnay nito, isang larawan ang nagviral sa social media, dahil sa naging reaksyon ng bagong silang na sanggol na nakunan mismo sa paglabas nito mula sa sinapupunan ng kanyang Ina.

Ipinanganak noong Pebrero 13 ang batang si Isabela Pereira de Jesus sa pamamagitan ng caesarean delivery ayon sa report ng New York Post.

Ngunit imbes na maging masaya o umiyak ay tila galit itong lumabas sa sinapupunan ng ina.

Sa ibinahaging mga larawan ni Rodrigo Kunstmann, photographer ng panganganak ng ina ng bata na si Daiane de Jesus Barbosa, makikita ang nakakatuwang retrato ng sanggol.

Aniya, “She opened her eyes wide but did not cry. The doctor even had to say, ‘Cry, Isa!’”

Umiyak lang daw si Isabela nang putulin na ng doktor ang kanyang pusod.

Kaugnay nito, masaya namang ibinahagi ng ina nito ang pagiging proud sa bagong silang na paslit.

“My baby was born courageous. It’s a meme already. She always wrinkles her forehead when changing diapers and nursing. Isabela was supposed to be born on the 20th, but she chose her day already showing her personality,” saad niya.

Ang seryosong itsura ni Isabela ay patunay lamang daw na isa itong batang matapang.

Marami naman ang natuwa sa sanggol kaya agad na umani ng libo-libong likes, shares at comments ang kanyang larawan sa social media.

Loading...