Sobrang Sakit sa Pakiramdam: Pinagkatiwalaan ni Ka Tunying Nagnakaw ng Malaking Halaga sa Kanilang Resto, Sa Kabila ng Sitwasyon ng Kanyang Anak.

Kamakailan ay umulan ng simpatya ang pamilya ng broadcaster-TV host na si Anthony Taberna o “Ka Tunying” dahil sa pinagdadaanan nilang pamilya na nakikipaglaban ang panganay niyang anak na si Zoey sa sakit na leukemia.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Sa kanilang kasalukuyang kondisyon, dumagdag pa sa kanilang problema ang isang pagnanakaw ng kanilang pinagkakatiwalaan sa kanilang restaurant business na may napakalaking halaga.

Ibinahagi ni Ka Tunying sa “Magandang Buhay”ang matinding sama ng loob dahil mismong ang taong pinagkakatiwalaan nila ang nagnakaw sa kanilang kumpanya.

“Mayroon kaming isang bagay na kanina pa namin pinag-uusapan kung pwede naming i-share dito sa ‘Magandang Buhay,’” simulang pahayag ni Ka Tunying.

“Isipin mo hirap na hirap kami. Alam mo ‘yung pagpapagamot sa katulad ni Zoey, sa kanyang kondisyon, mabigat ‘yon. Minsan napupuntahan niyo itong Ka Tunying’s nadiskubre namin two weeks o three weeks ago lamang na kami pala ay ninanakawan ng taong pinagkakatiwalaan namin dito sa kompanya.

“Eh, sabi ko napakahirap naman ‘yung ganu’ng sitwasyon at hindi maliit na halaga ‘yung kinuha sa kompanya. Kumbaga kumita ka ng konti sa pagtitinda ng tinapay, iniipon mo ‘yon tapos kukuhain lang ng ibang tao,” emosyonal na sabi ng news anchor at komentarista.

Rossel Taberna, bilib sa katapangan ng anak nila ni Ka Tunying na may  leukemia | PEP.ph

Aniya pa, “Sobrang sakit sa pakiramdam. Kaya ang sitwasyon namin ngayon ‘yung tao ay inihahanda namin ang kaso sa kanya. Tinitingnan din namin ang pananagutan ng bangko. Kasi malaking halaga.”

Dagdag pa ni Anthony, posibleng magsara ang kanilang negosyo kapag hindi nila agad nagawan ng paraan ang ginawang panloloko sa kanila.

“Sabi ko nga, kundi namin mareremedyuhan ngayon ang nangyari, masakit man ipinagtapat ko na sa manager namin na baka ihanda natin ang sarili natin sa pagsasara ng komponya. Sobra kasing laki nung nawala kaya napakahirap ng pangyayari ngayon,” dagdag pa ng broadcast journalist na masamang-masama ang loob.

Sa kabila ng mga problemang dumarating sa kanilang pamilya naniniwala pa rin siya na malalagpasan din nila ang mga pagsubok ba ito.

 

Loading...