Sikat na English-Speaking na Palaboy na si Berta, Nagbago na ang Buhay, mga Hugot Lines Tumatak sa kanyang Tagahanga.

Lingid sa kaalaman ng Palaboy na kinilalang si Berta na siya ay sikat na at viral online dahil sa mga videong nakuha ng iba’t-ibang tao na nahuhumaling sa kanyang pagkatao.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Kinabiliban si Berta dahil sa pagsasalita niya ng Ingles at mga may katagang kapupulutan ng aral. Marami siyang mga hugot lines na pawang hango sa sarili niyang karanasan.

Siya ay kilalang si Berta, pero Roberto pala ang kanyang tunay na pangalan, tubong Cebu City, pang-apat diumano sa limang magkakapatid.

Isang dating guro na nabigo sa pag-ibig. Nalulon diumano sa masamang bisyo at ng iwan ng partner ay nagpalaboy-laboy na lamang sa kalye.

Ngunit dahil nga sa kakaibang galing nito sa pag-iingles ay marami ang naaliw dito at ang iba nga ay ibinabahagi sa social media ang kanilang pagtatagpo ni Berta.

Kwento ng kapatid ni Berta, na si Evangeline, sobra siyang naawa sa kapatid ng nakita niya ang viral videos nito at makita ang kalagayan nito ngayon.

Ayon sa kanya, noon pa man ay hindi na naging madali ang kanilang buhay na magkapatid. Maaga silang iniwan ng kanilang ina ng pumanaw ito at ang kanilang ama naman ay lulon sa alak noon. Tanging ang mga kamag-anak lamang daw nila ang tumulong upang sila ay mapag-aral.

Ngunit hindi naging hadlang ang kahirapan upang nakatapos sa pag-aaral si Berta. Sa katunyan, nakapagtapos siya ng kolehiyo sa kursong Education, Major in English at naging isang guro noon.

Subalit nagsimulang masira ang buhay ng kapatid ng umibig ito sa isang lalaki at humiwalay na sa kanilang pamilya.

Saad ni Evangeline, natutong magbisyo si Berta simula noon at ng iwan ng kinakasama ay tuluyan ng nagbago at nawala sa hustong pag-iisip, hanggang sa naging palaboy sa loob ng 17 years.

Sa kabutihang palad ay may isang good samaritan na nakakita kay Berta sa lansangan. Siya ay si Anton Camilo, isang vlogger at tinulungan ito na magamot at mailagay sa tamang ahensya.

Malinis at malusog na ang pangangatawan nito at mas naiintindihan na ang kanyang pananalita. Naging matino na rin ang kanyang pag-iisip.

Ito ay dahil sa pagsailalim niya sa mga life coaching and check-ups at paglalaro ng sports sa loob ng rehab.

Kaya naman sobrang laki ng kanyang pasasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya, lalong-lalo na kay Anton na siyang naging instrumento sa kanyang pagbabagong-buhay.

Loading...