Daniel Padilla Pinuri, Nabangga ng Tricycle ang Kanyang Kotse; Imbes na Magalit, Nagbigay pa ng Pera ang Aktor sa Nakabanggang Tricycle Driver

Noong nakaraang ika-12 ng Agosto, nabangga ng isang tricycle ang kotse na sinasakyan ng aktor na si Daniel Padilla sa may Regalado Avenue, West Fairview, Quezon City.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Malapit lamang umano sa bahay ng aktor ang pinangyarihan ng aksidente. Agad naman na pinagkaguluhan ang nangyari kaya marami ang nakasaksi nito.

Ayon sa mga kumakalat na video ng naturang aksidente, hindi umano inaasahan ng aktor na mayroong sasalpok na isang tricycle sa likuran ng kotse nito.

Nasa kalagitnaan umano ng kalsada ang minamanehong kotse ni Daniel nang mayroong isang pedestrian na bigla na lamang tumawid. Dahil dito umano kaya biglang napapreno ang aktor na dahilan din kung bakit aksidenteng nabangga ng isang tricycle ang likurang bahagi ng kotse ni Daniel.

Agad umano na bumaba si Daniel mula sa kanyang sasakyan at nakipag-usap sa tricycle driver na nakabangga rito. Ayon sa mga saksi, mahinahon umano na nakipag-usap dito ang aktor.

Nagtamo umano ng mga galos sa likod ang sasakyan ni Daniel bunsod ng nangyaring pagbangga rito. Ang minamaneho nitong kotse ay isa umanong Eleanor Mustang na nagkakahalaga lang naman umano ng mahigit sa Php 10 milyon.

Ngunit, imbes na magalit ay naging mahinahon umano sa pakikipag-usap ang aktor. Sa nakunang video ng insidente na kumakalat na ngayon sa social media, makikita ang aktor na nagbibigay pa umano ng pera sa tricycle driver.

Kaya naman, tinawag ng mga saksi na ‘good samaritan’ si Daniel dahil sa pagiging mahinahon at pagbibigay pa umano nito ng pera sa tricycle driver na nakabangga rito.

Ayon pa sa ilan, si Daniel na umano lahat ang gagastos sa pagpapaayos ng mga natamo ng kanyang sasakyan at maging ng tricycle na nakabangga rito.

Akala umano ng tricycle driver ay magagalit si Daniel dahil sa nangyari. Nangamba rin umano ito na baka pagbayarin siya ng aktor dahil sa aksidenteng pagkakabangga nito sa sasakyan ni Daniel.

Kaya naman, maging ang kanyang mga kasamahang naroroon ay nagulat umano nang bigyan siya ni Daniel ng pera. Laking pasasalamat umano nito kay Daniel nang ito pa ang mag-abot sa kanya ng pera sa huli.

Dahil sa nangyari, pinagkaguluhan ang aktor ng mga taong nakakita sa naturang pangyayari. Nagawa pa umanong makapagpa-picture ni Daniel sa mga fans nito sa lugar na nag-iintay sa kanya. Matapos maayos na makipag-usap sa driver ng tricycle, nakangiti umano nitong pinaunlakan ang pagpapapicture ng mga naroon.

Loading...