Ang Bait, Maagang Pamasko ni Ivana sa mga Walang Tirahan, Food Basket at May 10K pa!

Isa sa mga iniidolo sa ngayon ng mga netizens ay ang sikat na aktres na si Ivana Alawi, marami ang nahuhumaling dahil sa angking ganda nito at magandang katawan na madalas pa ay pagmulan ng selos ng mag-asawa.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Maliban sa maganda niyang pisikal na kaanyuan, siya rin ay may mas magandang kalooban para sa kanyang kapwa at sa sambayanan.

Isang magandang balita ang bumungad sa mga taong nabigyan ng maagang pamasko ng aktres at sila ay yung mga kababayan nating walang permenenteng tahanan.

Ito’y bahagi pa rin ng pagpapasalamat ng dalaga matapos umabot sa mahigit 10 million ang subscribers niya sa YouTube.

Isa si Ivana sa mga local artists na sikat na sikat ngayon bilang vlogger na may 10.3 million subscribers na sa kanyang YouTube channel.

Maituturing itong phenomenal sa larangan ng vlogging community dahil August, 2019 lang siya nagsimulang mag-vlog pero umariba agad siya nang bonggang-bongga.

Anytime now ay maaari na rin niyang matanggap ang kanyang Diamond Play Button na ibinibigay ng YouTube sa mga vloggers na meron nang 10 million subscribers.

Nangako si Ivana na ibabahagi niya ang kanyang tagumpay sa mga taong mas nangangailangan sa panahong ito ng krisis. At ang napili nga niyang regaluhan ngayong holiday season ay ang mga taong lansangan.

Mapapanood ito sa kanyang latest vlog entry kung saan namigay nga siya ng mga Christmas baskets sa mga taong nasasalubong niya sa isang lugar na binisita niya.

“Ayaw ko talagang gumastos nang malaki para sa celebration kung pwede naman nating itulong sa mga taong nangangailangan ngayon,” pahayag ni Ivana.

In fairness, talagang pinakyaw ng sexy actress ang mga food packs at fruit baskets sa isang supermarket para nga ipamigay sa mga mahihirap nating kababayan.

Danica❤️ (@MiLovesIvana) | Twitter

Nagpa-repack pa siya ng mga grocery baskets na may lamang bigas, hamon de bola, orange juice, palaman at marami pang iba.

Makikita sa video ang pamimigay ni Ivana ng regalo sa mga taong nasa kalye na walang matinong tirahan. Kitang-kita naman ang pagkabigla at kaligayahan sa mukha ng mga natulungan ng dalaga.

At ito pa! Bukod pala sa food baskets, inabutan din ni Ivana ang ilang pamilyang tinulungan niya ng tumataginting na P10,000 cash! Bongga, di ba?

Avainsana #ivanaalawi Twitterissä

But wait, there’s more! Ibinandera rin ng YouTuber sa kanyang bagong vlog na balak niyang magbigay ng two-year course scholarship sa 10 deserving na mga estudyante.

Pipiliin niya ang pagkakalooban ng scholarships mula sa mga subscribers na magko-comment sa kanyang vlog.

Sa isang panayam, inamin ni Ivana na talagang malaki ang kinikita niya sa pagba-vlog at may pagkakataon na umaabot ito sa six digits.

Iniipon daw niya ito para sa pagpapagawa ng dream house ng kanyang nanay.

Loading...