Tinaguriang “GrabFood Mom” ng mga Netizens, Viral dahil sa May Bitbit daw na Anak Habang Nagtatrabaho? Totoo Kaya Ito?

Nagviral ang larawan ng ISang Ina na Karga-karga ang anak habang may bag sa likod na may pangalang “GrabFood”, siya nga kaya ay nagtatrabaho bilang GrabMom?? Alamin po natin.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Sa panahon natin ngayon pinapahalagahan na ang karapatan ng mga kababaihan na noong unang panahon ay hindi nabigyan ng kaukulang atensyon. Mayroon tayong tinatawag na “Gender Equality” kung saan pantay ang pagtrato sa mga babae at lalaki.

Marami naman talagang mga babae ang nagpatunay na bilang isang Ilaw ng tahanan ay kaya rin nilang gampanan ang pagiging haligi nito. Kadalasan sa mag-asawa ngayon ay nagtutulungan na sa paghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng buong pamilya.

Sa pagtaas ng mga bilihin, halos di na makaya ng isang Ama ang lahat ng mga bayarin, kaya pati ang mga ilaw ng tahanan ay gumagawa na rin ng paraan.

Mayroon tayong mga nababalitaang babae na nagtatrabaho bilang welder, laborer at truck drivers sa mga construction company.

Subalit, kamakailan lamang, maraming mga netizens ang pumuri sa isang babaeng tinawag nila bilang “GrabFood Mom” pag katapos na may makakita sa kanya na naghihintay ng order sa labas ng Mcdonald’s habang nag aalaga ng kanyang anak sa Bangsar, isang malapit na siyudad sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Suot ang kanyang helmet at GrabFood bag sa kanyang likod, nakasabit naman ang isang baby carrier sa kanyang harapan. Makikita pa sa larawan na may isa pang batang babae na nakatayo malapit sa kanya na isa pa pala niyang anak.

Maraming mga netizens din ang nalungkot at namangha sa “GrabFood Mom” na ito at sinabing ang mga nanay na katulad niya ay ang mga totoong bayani dahil ginagawa nila ang kanilang makakaya para maitaguyod ang kanyang pamilya habang naaalagan ng maayos ang kanyang mga anak. Nalungkot naman ang ilan dahil sa kalagayan niya ay napilitang magbanat ng buto upang maitaguyod lang ang kanyang mga anak.

Sa pangatlong larawan, makikita ang isang lalaki na umaalalay sa kanya na pinapaniwalaan na ito ay kanyang asawa. Maraming mga netizens ang nagtaka kung bakit siya nagtatrabaho bilang GrabFood driver.

Sinabi ng ilang comments na mayroong dahilan kung bakit siya nagtatrabaho sa Grab at marahil ay may isa ding trabaho ang kanyang asawa. Nang itong si GrabFood Mom nag viral, nabasa ito ng kanyang asawang si Mohamad Hafifi. Lumabas pala na siya ang nagtatrabaho bilang GrabFood driver at hindi ang kanyang asawa. Ayon kay Hafifi, nagtatrabaho siya bilang GrabFood driver bilang kanyang pangalawang trabaho nang anim na buwan na.

Noong isang gabi, nakatanggap siya ng order mula sa isang customer na nag order ng McDonald’s habang nasa bahay siya. Dahil nagugutom ang kanyang asawa at gusto din bumili ng ice cream ang kanyang mga anak sa McDonald’s, tinanggap niya ang order. Dahil doon din siya papunta, naisip niyang isabay nalang ang pagbili ng pagkain at order ng kanyang customer.

Maswerte din dahil ang bahay ng kanyang customer ay malapit lang sa bahay nila. Ngunit habang ang “GrabFood Mom” ay asawa pala ng GrabFood driver, masaya ang mga netizens para sa kanilang pamilya dahil nakahanap sila ng paraan upang kumita at the same time makapag bonding na rin ang pamilya.

 

Loading...