Security Guard na may Ginintuang Puso ang Tumulong Sa Mag Ama Na Naligaw At Pinakain pa Bago Binigyan ng Pamasahe at Baon.

Naging usap-usapan ang isang Facebook post mula sa netizen na si Racel Diola Melargo dahil sa ginawa ng isang Security Guard sa Mag-ama, Tinulungan ni Mamang Guard ang mag-amang naligaw sa San Pablo Laguna, na dapat ay sa Lemery, Batangas ang kanilang direksyon.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Isa umano sa mga anak niya ang lumapit sa gwardya upang magtanong kung saan ang sakayan patungong Lemery, at itinuro naman ng gwardya.

Ngunit nalaman nito na wala na palang pamasahe ang mag-aama kaya naman nagtitiyaga silang maglakad. Ang mas lalo pa raw na nakadurog ng puso ng guwardiya ay nang malamang kaya sila pupunta ng Lemery ay dahil sa ina ng mga bata na pumanaw na.

Dito na nag-atubili ang sekyu na tulungan ang mag-aama. Pinakain muna niya ito at saka binigyan ng pamasahe. Bukod pa rito, nagpakimkim pa ito ng mababaon pauwi sa kinaroroonan ng labi ng ina ng mga bata. Nabanggit pa sa post na naluha pa ang guwardiya habang hinahatid nito ang mag-aama sa sakayan ng bus sa tindi ng awa niya sa mga ito. Tunay na kahanga-hanga ang ginawa na ito ng sekyu na sana ay mabigyan ng pagkakakilalan.

Narito naman ang post mula sa Hanep TV Page:

Guys! pasikatin natin itong security guard, sya po yung tumulong dito kina tatay at sa mga anak nya, galing po ang mag-aamang ito sa Manila, uuwi dapat silang Lemery, pero mali sila ng nasakyan nakarating po sila sa San Pablo Laguna tatlong araw na po silang naglalakad sa Tanauan dahil wala na po silang pamasahe, mabuti na lang nagtanong itong batang babae na panganay ni kuya sa security guard kung saan daw papuntang Lipa, tinuro naman ni kuyang guard yung sasakyan nila papuntang Lipa pero nalaman ni kuyang security guard na wala na pala silang pera pamasahe dahil nagkamali ng nasakyan at nanghihingi na lang po sila ng pagkain sa isang canteen, kaya naawa itong si security guard at binigyan nya ng pagkain si tatay at mga anak nya, sabi ni tatay namatay daw po yung asawa nya sa Lemery kaya uuwi daw po sila doon, naiyak si kuyang guard sa nangyari sa kanilang pag-uwi at sa sinapit ng asawa nyakaya binigyan nitong security guard si tatay ng pamasahe at konting pasalubong para makauwi na sa Lemery Batangas.. Saludo kami sa’yo sir.. God bless you sana marami pang katulad mo.. <3 (y)
© Racel Diola Melargo

Loading...