OFW na may Anim na anak, Iniwan ng Mister at Ipinagpalit sa Iba, Gumanti ng Bongga, Nagpaganda.Lint1k lang ang Walang Ganti!

Isa sa pinakamahirap na desisyon ang mapalayo sa piling ng iyong mga mahal sa buhay, lalo na kung ikaw ay isang ina at may mga maliliit na anak. Subalit ang kahirapan ang siyang naging dahilan kung bakit kinakailangan na mag sakripisyo upang maibigay ang kanilang mga gusto.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Ang pagiging isang OFW ay napakalaking sakripisyo, hindi mo alam ang maging kahihinatnan mo sa bansang pupuntahan mo, pero dapat maging alerto at positibo para rin sa kinabukasan ng pamilya mo.

Masarap sa pakiramdam kapag ang iyong  pinaghirapan ay binibigyang halaga ng iyong mga pamilyang naiwan, pero doble naman ang sakit kung ito ay inaabuso at hindi ka man lang nirerespeto.

Katulad na lamang ng isang OFW na si Michelle Valenzuela na kanyang ibinahagi ang istorya ng kanyang buhay. Maraming netizen ang namangha sa kanyang kwento at agad na naging viral sa social media.

Kwento niya, hindi siya nagaayos noon ng kanyang sarili dahil may anim na siyang anak at may ipinagbubuntis pa noon. Lahat ng pagaasikaso at pagaalaga sa kanilang anak ay siya lamang ang gumagawa dahil walang ibang inatupag ang kanyang mister kung hindi mag inom at mag sugal buong araw.

Ayon pa kay Michelle, ay sinasaktan at binubugbog din siya ng kanyang mister at ang malala pa ay nagdadala pa ito ng babae sa kanilang bahay. Pinalayas siya ng kanyang mister kaya umuwi na lamang sila ng mga anak niya sa kanyang nanay.

Lumipas ang ilang buwan, ay nagpasya si Michelle na hanapin ang swerte niya sa ibang bansa para sa kanyang anim na anak. Mabigat man sa kanyang kalooban ay ginawa niya ito. Noong una ay hindi siya sinuwerte sa kanyang naging amo dahil sa hindi magandang pagtrato nito sa kanya ngunit tila nagiba ang ihip ng hangin noong nakita nito ang sipag at tiyaga niya sa trabaho.

Makalipas ang ilang buwan ay nabalitaan na lamang niyang hiwalay na ang kanyang mister sa kanyang kabit. Hinangaan rin siya dahil simula nung nag abroad siya ay inalagaan na rin niya ang kanyang sarili, at marami ang pumuri sa naging transpormasyon niya. Ngayon ay masaya na silang namumuhay ng kaniyang anak at nakapag move-on na rin sya sa masamang naranasan sa dating asawa.

 

Loading...