Mahigit 50 Karayom Nakita sa Katawan ng Dalagita, at Ilang Buwang Masakit ang Kaniyang Tiyan.

Talaga nga bang totoo ang tinatawag na Kulam? isa itong pamamaraan ng mga ninuno noon na gantihan ang mga taong mayroong masamang ginawa sa kanila sa pamamagitan ng kulam, na di harapang sinasaktan ang tao kundi sa pamamagitan ng orasyon at manika nila.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Sa ulat ng KMJS, mayroong isang dalagita na nakaramdam ng pananakit ng katawan na wala namang konkretong dahilan.

Nag-alala ang mga magulang ng babae kung kaya’t kanila itong ipinasailalim sa mga tests, nang makuha ang resulta ay laking gulat ng mga Doktor na makita ang mahigit 50 pirasong karayom sa loob ng kanyang katawan.

Si Aurora, hindi niya tunay na pangalan, ay bigla na lamang nagkasakit. Samantala, ang kaniyang ina naman na si Maria, hindi din niya tunay na pangalan, ay labis na nagtataka at nangangamba na para sa nangyayari sa kaniyang anak ngunit hindi niya alam ang dahilan kung bakit bigla na lamang itong nakaramdam ng kakaiba sa kaniyang katawan.

Dahil sa kanyang kakaibang naramdaman, nagdesisyon ang pamilya niya na dalhin na siya sa ospital dahil sa kakaibang nararamdaman ng dalaga.

Matapos magsagawa ng ilang mga tests sa kaniya, na-diskubre ang napakaraming karayom sa loob ng kaniyang katawan!

Nabigla at nagtaka ang  pamilya ni Aurora; Nagulat dahil sa dami ng karayom na nadiskubre sa kaniya at pagtataka sa kung paano nakapasok ang mga karayom sa loob ng kaniyang katawan. Nang tanuningin, sinabi ni Aurora na maging siya ay hindi niya alam kung paano iyon nangyari.

Sa takot tungkol sa kung ano ang mangyayari kay Aurora at paghahanap ng kasagutan sa kung paano nakapasok ang mga karayom sa katawan nito, napagpasyahan ng pamilya na pumunta sa Independanciana Vergara, isang ‘Babaylan’

Ayon kay Vergara, tila isang manliligaw umano ni Aurora ang nasa likod ng pangkukul4m sa dalaga. Ang lalaki umano ay nahulog ang loob sa dalaga ngunit dahil hindi siya gusto nito, napagpsyahan niya na humanap ng tap para kul4min ito.

Matapos makita ang larawan ng x-ray, sinabi ni Vergara na ang larawan ng mukha ng lalaki sa x-ray ay isa lamang pruweba na isang manliligaw ang nasa likod ng nangyayari ngayon kay Aurora.

Ngunit matapos magkaroon ng masinsinan mg pakikipag-usap sa dalaga, inamin din ni Aurora sa huli na kinain niya ang mga karayom na nasa loob ng kaniyang katawan. Ibinahagi niya din na may pagkakataon pa na kinain niya ng sabay ang tatatlong piraso ng karayom!

Sa pangyayaring ito, isang leksyon rin ang ating natutunan, na wag agad-agad manghusga sa kung kanino lalo pa’t walang matibay na ebidensya.

Loading...