Lola, Viral Ngayon Sa Social Media Dahil Sa Paglalako Ng Mga Panindang Puto Sa Kabila Ng Kaniyang Sitwasyon na Halos Naka Baluktot.

Hindi man natin lubusang alam ang mga kwento sa likod ng mga nag te-trending na mga larawan ng mga nakakaawang matanda na sa kabila ng kanilang edad ay patuloy pa rin ang pagtatrabaho, pero nakakaawa at masakit sa dibdib na masilayan silang nasa hirap na sitwasyon.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Ang mga magulang ay dapat minamahal at kusang sinusuklian sa kabila ng kanilang mga sakripisyo sa kanilang Pamilya. Dapat sa mga matatanda na ay nasa bahay na lamang at nagpapahinga kasama ang Pamilya.

Katulad na lamang po sa kumalat na larawan ng isang matanda sa Social Media, masyadong nakaka-awa si Lola dahil sa kanyang edad ay patuloy pa rin siya sa paglalako upang mabuhay.

Si lola ay nagtitinda ng puto sa madaling araw sa kabila ng hirap na sitwasyon niyang nakakuba na kung maglakad. Sa larawan, makikita sa mukha ng matanda na siya ay hirap na hirap na dahil nakabaluktot na ang kaniyang katawan. Ngunit, nanatiling masipag pa din si Lola sa pagtitinda ng puto sa kabila ng kaniyang sitwasyon.

Ibinahagi ng Facebook page na Trending Viral ang larawang ito ni Lola. Saad sa post, isang netizen daw ang nakakita kay Lola sa daan na matiyagang inilalako ang mga paninda nitong puto. Naawa ang netizen kay Lola kaya naman naisip nitong bigyan si Lola ng P100 dahil naaawa din siya sa kalagayan ng matanda.

Nang iabot na daw ng netizen ang pera, laking gulat na lamang nito nang abutan siya ni Lola ng tatlong balot ng puto ngunit hindi niya ito tinanggap. Sinabi niya na itinda na lamang ni Lola ang ibibigay sa kaniya para pandagdag na din sa kita niya at ang pera naman na ibinigay niya dito ay tulong na niya sa matanda.

Labis din daw ang tuwa at pasasalamat ni Lola sa netizen at sinabing ipagdarasal niya ito. Samantala, lubos din naman ang kagalakan ng netizen dahil aniya ay masarap sa kalooban na makatulong sa matanda kahit sa simpleng paraan lamang.

Basahin sa ibaba ang kabuuang post mula sa Trending Viral:

“MARAMI TAYONG MGA PINAPASIKAT NA WALANG KWENTANG BAGAY SA FB, BAKIT DI NA LANG NATIN IKALAT SI NANAY NG SA GANUN MATULUNGAN.

Nakasabay ko lamang si nanay kanina sa daan. Nadurog ang puso ko nang makita siya ng ganun. Napakasipag naman ni nanay talaga kasi nagtitinda po siya ng puto tuwing madalingaraw. Kahit na po ganyan na ang katawan nya ay gumagawa pa rin ng paraan para buhayin nya ang dalawang apo nya na iniwan ng anak nya sa kanya 😭 Grabe naiyak ako sa kuwento niya😭😭 binigyan ko na lang ng 100 pesos at sabay bigay niya sa akin ang 3 plastic na puto, sinabi q huwag na nay tinda mo na lang yan pandagdag sa kita nyo at pagtyagaan mo nlang yan dahil yan lang ang laman ng wallet q. Natuwa naman si nanay at ipagdadasal daw nya ako. Ang sarap ng pakiramdam na sa kunting halaga lang may napasaya kang tao. Magkikita pa rin tayo nay tuwing umaga. Salamat po sa pag share ninyo sa page ninyong Matalinong Matsing kay nanay na sana maipakalat ninyo at maabutan man lang siya ng kaunting tulong. Sana pag nakita ninyo siya sa madaling araw ay bilhin nyo na lahat ng puto ni nanay.

CTTO”

Loading...