Litrato ni Apo Whang Od Nung Siya ay Dalaga pa,Pinagkaguluhan ng mga Netizen.

Naging parti ng kasaysayan ng Pilipinas ang tinaguriang pinakamatandang tattoo artist o “mambabatok” na kinilala kay Apo Whang Od.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Naging tanyag siya sa pangalang Apo Whang Od, subalit ang totoong pangalan niya ay Whang Od Oggay na nasa 103-anyos na at kasalukuyang nakatira sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga Province.

Kahit na nasa ganyang edad na si Apo, marami pa rin ang napahanga dahil sa kanyang aktibong partisipasyon sa kanilang lugar upang bigyang halaga ang sinaunang tradisyon nila na kinamulatan.

Marami mga tao ang dumarayo sa kabundukan ng Buscalan para lang makita at makapag pa tattoo sa binansagang pinakamatandang “mambabatok” na si Apo Whang Od. May kalayuan ang lugar ni Apo at nasa halos 15 -oras ang biyahe mula Maynila ng mga turista at dagdag pa diyan ang hirap sa pag-akyat ng bundok para marating ang lugar ng Buscalan kung saan matatagpuan si Apo Whang Od.

Hindi madali at basta-basta ang mapuntahan ang mambabatok, Kaya naman bilang ganti ni Apo gamit ang abo at tinik ng pomelo , nagtat-tattoo si APo Whang Od ng tatlong tuldok sa balat ng kaniyang mga customer.

Whang-od - Wikipedia

Ayon sa kwento ni Apo, Kinse anyos na siya ay magsimulang mag-aral ng pagta-tattoo sa tulong ng kanyang amo. Naging mahusay si Apo sa tradisyon na ito kahit pa ito ay para lamang sa mga lalaki sa kanilang tribo.

Samantala, lalong pinag-usapan si Apo Whang Od dahil sa nagviral niyang mga larawan na inupload ng photographer na si John Kevin Ortiz, Makikita sa mga larawan ang itsura ni Apo Whang Od noong kabataan niya.

Maraming mga netizen ang humanga sa kagandang ni Apo Whang Od noong kabataan nito, Hinangaan din ng mga netizen na kahit 103 years old na siya ngayon ay parang walang pinagbago ang lakas ng kalusugan nito.

Larawan Ni Apo Whang Od Nung Dalaga Pa Siya, Pinagkaguluhan Ng Mga Netizens
Ngunit sa kabila ng magandang mukha ay hindi nagkaroon ng asawa at anak si Apo Whang Od dahil na rin daw sa kanyang sinumpaan at pangako sa yuma0 niyang kasintahan noong kabataan niya.

Kwento naman ni Apo Whang Od, Isa daw sa mga dahilan kaya napapanatili niyang maayos ang kanyang kalusugan ay ang hindi pagkain ng mga preservatives , mga delata at mamantikang pagkain.

Sa ngayon ay tinuturuan ni Apo Whang Od ang kanyang dalawang pamangkin na babae upang mapanatiling buhay ang tradisyonual na mambabatok dito sa bansa.

Loading...