Ito Pala Ang Rason Kung Bakit Idineklara Ng Mega Star na Magreretiro na Siya.

Noong Sabado, mayroong ipinahayag ang Mega Star na si Sharon Cuneta Pangilinan sa kanyang Instagram Post na kinabahala ng kanyang mga fans. Sa kanyang mga larawan, makikita ang halos pagod na mukha ng Mega Star.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Saad ni Sharon sa caption ng kaniyang post,

“Kids, it’s almost time. Mama’s tired. I love you.”

Dagdag pa niya,

“On my way to retirement…”

Bukod sa kaniyang post, in-edit na din ni Sharon ang kaniyang Instagram profile at isinulat ang mga katagang “retiring soon.”

Pati kanyang mga kasamahan sa Industriya ay nabigla rin sa mga naging pahayag ng mang-aawit, pero ilan sa mga ito ay nagpakita rin ng suporta sa desisyon ni Mega.

Tatlong taon na din pinag-iisipan ni Sharon ang tungkol sa pagreretiro niya sa entertainment industry. Noong Setyembre nakaraang taon, sinabi ni Sharon ang kaniyang plano na “semi-retirement” mula sa showbiz.

Ibinunyag ito ng Megastar matapos ihatid ang kaniyang anak na si Frankie Pangilinan, na noo’y pupunta sa New York para ipagpatuloy ang college degree nito.

Ani Sharon,

“On another note, and this is important- Since last year l have seriously been thinking of semi-retiring. I am so very tired.

“It has been 41 years of work, work, work for me, and at some point, kailangan na rin sabihin sa sarili na ‘tama na.’

“When will it ever be enough? Sometimes you just have to put your foot down and say it’s okay, and it’ll all be okay.”

Dagdag pa niya,

“Maybe I’ll do a concert here and there every once in a while, or a movie that I feel will really be worth the few months it’ll take me away from my home and family.

Sinasabi ko na sa inyo ito, mga mahal kong Sharonians. Mahal na mahal ko kayo…pero pagod na rin si Mama…”

Pagkakataon na rin siguro na bigyan ni Mega Star ng kapayapaan at kapahingahan ang kanyang sarili. Everybody deserves to take a rest, lalo pa’t maliit palang siya ay sumabak na sa Industriya.

Loading...