“Instant Milyonaryo” ang Lalaking Ito dahil Lamang sa Bumagsak na Bato sa Bubungan nito.

Ang tinatawag na swerte ay talaga ngang hindi mo inaasahan kung kailan ba darating, sa anong paraan? Magkano? at kung may senyales ba ito?. Lahat naman yata ay umaasang yumaman ng bigla, ito ay tila isa lamang na panaginip na talaga namang imposible ang pagiging instant mayaman.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Ang iilan nga sa atin ay tumataya pa sa lotto at inaabot ng ilang taon at swerteheng manalo. Napakalaking blessings kung may isang bagay na biglang darating at maghahatid ng malaking pera sayo.

Yan ang nangyari sa isang lalaki sa Indonesia, di niya akalain na ang malaking tipak na parang bato na bumagsak sa bubungan ng bahay niya ay nagkakahalaga pala ng milyon-milyon.

Halos di makapaniwala ang lalaking ito na nagtatrabaho bilang coffin maker, sa isang tinatawag na meteorite ang umanoy bumagsak sa kanyang bahay, halos ramdam niya yung lakas ng pagbagsak nito.

Narito ang buong pahayag sa nangyari sa bahay niya:

Nagtatrabaho ang 33 taong gulang na lalaki na nakilala sa pangalan na Josua Hutagalung malapit sa kaniyang bahay nang isang malakas na tunog ang gumulat sa kaniya. Iyon pala ay mayroon ng meteorite na bumagsak sa veranda sa gilid ng kaniyang sala sa Kolang, North Sumatra.

Ang meteorite na may bigat na 2.1 kilograms ay nag-iwan naman ng malaking butas sa bubong ng bahay ni Josua at dahil sa lakas na din ng pagbagsak nito, ang bato ay nabaon sa lalim na 15cm sa lupa malapit sa bahay.

Hinukay niya kaagad ang bato, sinabi ni Josua na medyo mainit pa ito at bahagyang nabali nang subukan niyang hawakan ito.

Hindi alam ni Josua na siya ay naka-diskubre na pala ng gem o mamahaling bato.

Nakabase ang halaga ng meteorite sa gramo nito. Ang pinakamababa ay nagkakahalaga ng $0.50 hanggang $5.00 kada gramo. Samantala, ang extra-terrestrial metals naman ay pinagbebenta sa halaga ng $1,000 kada gramo.

Ayon sa ulat, ang meteor na bumagsak sa bahay ni Josua ay tinatayang nasa 4.5 bilyon taong gulang na at kinaklasipika bilang CM1/2 carbonaceous Chondrite na nagkakahalaga ng nasa $875 hanggang $1.85-M kada gramo nito.

Hindi inakala ni Josua na siya ay magiging instant millionaire dahil lamang sa malaking bato na kaniyang nadiskubre sa likod ng kaniyang bahay!

Halos walang pagsidlan ng saya si Joshua dahil sa iisang bagay na muntik nang sumira sa kanyang bahay ang siya pa palang magbibigay ng malaking pagbabago sa   buhay niya.

Loading...