Binata, Nagwala Diumano Sa Resto Matapos Walang Makita sa Mukha Ng Kaniyang Ka-Date Na Naka-Chat Sa FB, ang Hinahanap nito.

Isa sa mga pamamaraan sa ngayon upang makahanap ng kapareha ay ang pagcha-chat , videocall at marami pang uri ng mga online applications. Mas napabilis kasi ang kanilang komunikasyon kahit na anong layo ito.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Darating ang araw na hindi lamang sa online kayo magkikita kundi sa totoong buhay na, kung kaya’t kinakailangan ang pagiging tapat sa isa’t-isa kapag alam mong mamahalin mo siya.

Wag sanang gumaya sa naging karanasan ng lalaking ito kung saan ay nag set sila ng date sa isang restaurant subalit nagwala ang lalaki dulot ng kanyang labis na pagkadismaya.

Nagalit din ng sobra ang lalaki sa babaeng naka-date niya at nagbanta pa na baka masaktan niya ito.

Paborito pala kasi ng nasabing lalaki ang “We Bare Bears” kaya nito nagustuhan ang kaniyang babaeng naka-date. Subalit ng sila ay nagkita na sa isang restaurant, walang ma aninag na “We Bare Bears” sa mukha ng babae.

Sila daw ay nagkakilala sa isang online dating application kung saan ang larawan ng babae ay mayroong filter na “We Bare Bears”.

Matapos makita ang larawan ng babae, hindi na nagpatumpik tumpik pa ang lalaki at nanligaw na kaagad sa babae. Hindi kalaunan ay sinagot na din naman siya ng nasabing babae. Saad ng lalaki, sa tuwing nagpapadala ang babae ng larawan sa kaniya ay mayroon itong gamit na filter na “We Bare Bears”.

Kaya naman inaasahan ng lalaki na mayroon pa ring “We Bare Bears” sticker sa mukha ng kaniyang girlfriend sa kanilang pagkikita.
Ngunit nadismaya lamang ang nasabing lalaki nang makita niya ang mukha ng babae sa isang restaurant.

Nagkasagutan at nag-away pa umano ang mga ito sa restaurant na muntik pang humantong sa pisikal na pagsasakitan dahil lamang sa walang sticker na “We Bare Bears” ang mukha ng kaniyang ka-date.

Aniya,

“Ano ba yan nakakadisappoint naman. Diba may we bare bears stickers ka sa mukha, bakit sa personal wala? Galit ako, gusto ko may we bare bears. Sige uwi kana.”

Dahil dito, naging emosyonal naman ang babae dahil sa hindi magandang ugali na ipinakita ng ka-date at boyfriend niya sa kaniya dahil lamang sa bagay na iyon. Hindi pa nga umano nito napigilan umiyak nang sagutin niya ang pahayag ng dismayadong lalaki.

Bumanat din dito ang babae at sinabing kahit pangit ang lalaki ay hindi naman siya nagreklamo dito.

Ani ng babae,

“Grabe naman ugali mo, hindi mo naman pala ako mahal. Sige hala ito jowain mo na lang yung filter. Ikaw nga pangit eh pero di ako nagalit. If you can’t love me at my worst then you can’t have me at my best.”

Nagbigay naman ito ng katuwaan sa mga netizens at ang ilan sa kanila ay hindi pa makapaniwala na nag-away ang dalawa dahil lamang sa bagay na ito at muntik pang magkasakitan. Isang totoong pangyayari po ito at kaya kaagad na nagviral.

Loading...