Bilhan nyo po si Lola: Isang Matanda ang Nasilayang Naglalako ng Mais sa Gitna ng Init at Ulan.

Bawat magulang ay may pangarap sa kanilang mga anak, na mapag-paaral ito ng mabuti at magkaroon ng ginhawang buhay, di man nila hinihiling na sila ay lingunin sa kanilang pagtanda , pero sobrang saya nila kapag ito nga ang plano ng kanilang mga anak.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Wala ng sasaya pa sa isang magulang na makapiling ang kanyang anak at buong pamilya sa kanyang pagtanda, sila ang nag-aalaga sa kanilang magulang at gantihan ng kabutihan sa kabila ng kanilang sakripisyo.

Ngunit, marami naman ang nag-alala sa isang matandang nag trending kamakailan dahil sa kabila ng kanyang katandaan ay nagtitinda pa ito sa ilalim ng init at ulan. Ang tanong ng marami kung nasaan na nga ba ang kanyang pamilya?

Kinilalang si MiracArl Barder ang nag-upload ng larawan ng isang matandang babae, sa kaniyang Facebook account at nilagyan ito ng caption na, “Umulan umaraw nag titinda padin c nanay. Sana po bilhan po niyo siya pag makikita niyo. Masayang masaya na po siya. Sana po may tumulong po sa kaniya.”

Ang mga netizens naman ay hinangaan ang matandang babae dahil sa kaniyang sipag at dedikasyon sa trabahong kaniyang ginagawa. Ngunit, marami din sa kanila ang nag-aalala sa kalagayan ng kalusugan at seguridad ng matandang babae. Sa edad ng matanda, dapat ay kaniya nang ine-enjoy ang kaniyang buhay. Marami naman sa ating mga netizens and nagpahayag ng kanilang kalungkutan sa nakita at kung ano ang kanilang tunay na nararamdaman sa estado ng matandang babae.

Marami din sa mga netizens ang nag komento na talagang nakakasakit ng damdamin na makita na ang matanda na nagtatrabaho pa din para lamang kumita ng pera. Nawa’y makita din ng mga awtoridad ang viral na litrato ng matanda at tulungan ito sa kaniyang sitwasyon ngayon. Marami naman sa ating mga netizens ang nais maghatid ng tulong sa kaniya at nais malaman kung saan nakatira ang matandang babae.

 

Loading...