“Waiter ka lang pala?” Dahil sa Pagmamaliit sa kanya, Nakapagpatayo Siya ng Malaki at Eleganteng Bahay.

Sa mundong ito, lahat naman tayo ay nangangarap na maka-ahon sa buhay, ngunit hindi lahat ng nangangarap ay na e-sakatuparan ito. Naka dependi sa ating pansariling desisyon at pagtitiyaga kung paano makamit ang bawat pangarap.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Kanya-kanyang diskarte at paghaluan pa ng kasipagan tiyak makakamit mo ang iyong mga pangarap. May mga tao na pupuna at pupuri sa iyo, gawin mo itong inspirasyon at gabay para mapabilis ang iyong pag-ahon sa buhay.

Katulad na lamang sa kwento ng isang lalaking ito, ibinahagi sa facebook post ni Jhay Suarez Tuyor, isang waiter ang kanyang mga karanasan mula pa taong 2004 hanggang 2012.

Ayon sa kanyang pagsasalaysay, di hamak na hirap ang kanyang pinagdaanan upang makamit ang kanyang mga pangarap. Nalampasan niya ang lahat ng hadlang at pagsubok kaya naman nagbunga ang kanyang pagtitiyaga.

Sa kanyang pagtitiyaga, nakapagpatayo siya ng kanyang sariling bahay, ito ay makalipas ang 8 taong pagtatrabaho, hindi simple ang kanyang bahay, kundi napaka elegante ng paggawa.

“nga ho pala , sa pagiging waiter ko po ng mahigit walang taon ((2014-2012))napa tayo ko po ung pangarap kong bahay . ung may malaking garahe at napaka laking kitchen unti unti ho yan . bawat sentimo ho ng sweldo ko dyan nappnta cmula ho sa tiles sa living area hanggng s gate ho ng garahe,” sabi ni Jhay.

Aniya, naranasan daw niya ang kutyain at maliitin dahil sa kanyang pagiging waiter.

waiter ka lang pala, oh mag praktis kana mag bugaw ng langaw dito sa hapag kainan,” kwento niya.

Hindi nagpa-apekto si Jhay sa mga opinyon ng ibang tao sa halip ay ginawa niya itong motivation upang kumayod nang kumayod para sa sarili.

Nagbigay rin ng payo si Jhay sa mga netizens na huwag susuko sa kabila ng mga hamon sa buhay.

“Wag kang mapapagod kaibigan, nsa kabilang buhay ang pahinga ,habang bata tayo kayod lang ng kayod tpos wg ka magpapatukso sa kung anung meron ung tropa mo, mas msrap nakabili kana muna ng lalagyan , ngayon may bahay kana BAHALA KANA SA TRIP MO, GUSTO MO PUNUIN MO NG SAPATOS YAN, maniwla ka,” sabi niya.

Narito ang Ilan sa mga Post ni Jhay:

“Waiter kalang pala?

isang dekada na din ang nakalipas , daming nagssbi “waiter ka lang pala, oh mag praktis kana mag bugaw ng langaw dito sa hapag kainan”

opo , waiter lang po ako. dito sa larangan ng pagiging waiter

*makakasalamuha lht ng klase ng tao , cmula a pnka mababang adik na dishwasher hanggng s pnka sikat na tao hanggng s presidente ng pilipinas . matututo ka mksma . pano? ba diskarte muna yan.

*dito ngkamali ka humanda ka s bunganga ng manager mo dapat di ka iiyak ha? ung tipong ipaparamdam sayo na ikaw na pnka tangang tao s nabuhay sa mundo tpos hhrap ka s guest mo dpat dw naka smile na prang wlang nagyre? eh kaso mainit dn ulo ng guest mo kasi ngkamali ka dhl sa bulyaw ng manager mo ? hahaha GOODLUCK

*waiter , opo . tatayo kalang naman ng higit aa walong oras, takbo dun takbo dito . buhat dun buhat dito , tpos kpg natapunan mo ng tubig ung guest mo naka lacoste ssbhn sayo , mas mahal pa tong damit ko kesa sayo , panu ngayon to ? kulang pa sweldo mo dito . patawag ng manager nga hoy.

nga ho pala , sa pagiging waiter ko po ng mahigit walang taon ((2014-2012))napa tayo ko po ung pangarap kong bahay . ung may malaking garahe at napaka laking kitchen unti unti ho yan . bawat sentimo ho ng sweldo ko dyan nappnta cmula ho sa tiles sa living area hanggng s gate ho ng garahe.

Wag kang mapapagod kaibigan, nsa kabilang buhay ang pahinga ,habang bata tayo kayod lang ng kayod tpos wg ka magpapatukso sa kung anung meron ung tropa mo, mas msrap nakabili kana muna ng lalagyan , ngayon may bahay kana BAHALA KANA SA TRIP MO, GUSTO MO PUNUIN MO NG SAPATOS YAN, maniwla ka.

mas msrap magPAKASARAP sa huli, kesa panay ka pasarap ngaun, ending? walang humpay na kayod..”

Loading...