Pusa ng isang Netizen, Hindi Ulam ang dala-dala kundi P1000 pauwi ng bahay.

Kadalasang mga pet natin sa bahay ay mga aso at pusa, maliban kasi na nakaka aliw, sila rin ay may mga role na ginagampanan sa tahanan. Taga bantay ang pusa ng mga palaboy na daga, at taga tahol naman ang aso sa mga taong papasok sa bahay mo.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Kaya kahit mga hayop sila, kailangan din nila ng pagkalinga, dahil parang tao, sila rin ay may mga puso at minsan nga ay may mga common sense pa ang mga ito. Ngunit napakainam naman kung hindi lang basta-basta alaga ang mga ito, kapag nagdadala pa ng pera sayo.

Kagaya na lamang ng nag viral na post nito mula sa netizen na si April Jean na ibinahagi niya sa isang Facebook Group na Cats and Kittens Philippines.

Ikinuwento niyang umaga daw noon nang bigla na lamang siyang nasurpresa sa kaniyang alagang pusa na si Kenzie dahil sa dala- dala nitong ayuda bitbit gamit ang kaniyang bibig. Hindi ito pagkain o piraso ng ulam kung hindi ay isang libong pisong pera na kagat kagat niya!

Agad daw siyang napasigaw ng “Hooyyyy kenzie san mo ninakaw to”

Madami naman ang nakita ng kaniyang ibinahaging kwento kaya naman kaniya- kaniya ding komento ang mga cat lovers;

“Bili mo daw cya ng more food pa and vitamins hehehe”
“Baka nagtatrabaho siya sa gabi may pantustos lang sayo”
“Mine ko na po yung pusa

Eto na ata mag aahon sakin sa kahirapan: “Nag save sya ng pera this pandemic, pang vacation daw saka pambili ng tuna !”

Kakaiba nga ang pusang ito, maaasahan sa araw ng kagipitan.

 

Loading...