Noodles na Isang Taon ng nasa Freezer, Kum1til sa Siyam na Miyembro ng Pamilya Matapos Pinagsaluhan.

Hindi inaasahan ng pamilyang ito na ang isang masarap na salo-salo ay maging isang masakit na bangung0t sa kanila matapos na masaw1 ang siyam na miyembro ng kanilang pamilya ilang oras matapos kumain ng home made noodles na gawa mismo ng kanilang pamilya at halos isang taon ng naka imbak sa kanilang freezer.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Ang mag pamilyang ito ay nagmula sa bayan ng Jixi in, sa probinsya ng Heilongjiang, sa bahaging norte ng China. Hindi naman nila naisip na pwedeng maging lason ang kinaing noodles dahil nasa freezer naman ito. Ang nasabing homemade noodles ay tradisyon ng kinakain sa bayan ng Jixiin, na ginagamit sa pagluto ng sikat na sinabawang pancit na kung tawagin ng mga intsik ay “Suantangzi” na mula sa binurong harinang mais.

Alam naman umano ng pamilyang ito na matagal ng naka imbak sa freezer ang nasabing home made noodles na kanilang pinagsaluhan subalit kibit balikat nilang kinain ito at pinagsaluhan.

Kaya sa di inaasahang pagkakataon,makalipas lamang ang ilang oras matapos nila itong kainin. Isa isa na sa mga miyembro ng pamilyang ito ay dumadaing na sa sakit ng tiyan at iba pang nararamdaman.

Lingid kasi sa kanilang kaalaman na bago pa man nila ilagay sa freezer ang noodles na ito, maaring may mga nabubuo ng mga nakakamatay na bacteria ang kumakalat sa naturang pagkain, gaya na lamang ng “bongkrek acid” – isang nakakamamatay na toxin o lason na mula sa bacterium pseudomonas cocovenenans ayon pa sa balita.

Hanggang sa isa isa nang nagkakasakit ang nasabing mag anak ilang oras matapos kainin ito, at nitong Oktubre a-dose (Oct. 12), walong miyembro ng kanilang pamilya ang pumanaw.

At sa huling balita, pumanaw na ang ika siyam ng biktima, na siyang ina ng naturang pamilya nito lamang ika labing walo ng Oktubre.

Tanging ang tatlong bata lamang na miyembro ng kanilang pamilya ang nakaligtas dahil sa hindi kumain ang mga ito dahil sa may kakaibang lasa na ito na hindi nagustuhan ng mga bata.

Naglabas ng opisyal na pahayag ang mga otoridad hinggil sa pangyayari, at kanila ngang kinumpirma na siyam na katao mula sa iisang pamilya ang nasawi dahil sa food poisoning matapos makita sa pagsusuri ang mataas na porsyento ng “Bongkrekic acid” mula sa noodle soup na kinain ng mga biktima.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Heilongiang Provincial Health and Health Commission, ang nasabing toxin ay nakita sa tiyan ng mga biktima na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Nagpahayag si ginoong Gao Fei, Director ng food safety sa Heilongjiang Centre for Disease Control and Prevention, na masyadong mataas na porsyento ng toxin ang nakita sa katawan ng mga biktima kaya nasawi agad ang mga ito.

Loading...