Nakakaawa! Video ng Lola na Pinalayas sa Tinitirahan at Itinapon ang mga Gamit sa Kalsada, Umantig sa Puso ng Netizens.

Isa sa pangarap ng mga magulang ay mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak, mapagpa-aral ng mabuti at makatapos upang magkaroon ng magandang trabaho.

You May Also Read:

OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas

Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.

Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants

Sa mga kabataan naman, kanilang tanging pangarap sa kanilang mga magulang ay mabigyan din ito ng maganda at komportableng buhay habang sila ay tumatanda. Isa itong reward sa kanila sa kabila ng kanilang mga sakripisyo sa kanilang mga anak.Kung kaya’t napakasarap sa pakiramdam kung nakikita mong nasa maayos ang iyong magulang.

Subalit, taliwas naman yata ang sitwasyon ng isang matandang babae na ito, kung saan nakunan pa ng video ang pagpapalayas sa kanya mula sa kanyang tinutuluyan.

Ayon sa isang Facebook page na nag-upload ng video mapapanood dito ang kaawa-awang Lola na pinapalayas sa kanyang tinutuluyan at tinatapon ang mga gamit niya sa labas. Ang nasabing video ay may caption na :

“Grabe naman sila kung palayasin si Lola. Makatao bang ihagis ang mga gamit at pagtabuyan ang pobreng matanda. Kayo na ang humusga kabayan”.

Sa kumakalat na videong ito na umabot ng 2:30 minutos ay mapapansin mong nag-aayos si Lola ng kaniyang mga gamit na itinapon sa labas ng bahay.

Maya-maya lamang habang siya ay nag-aayos ay makikita ang isang babae na nakatapis ng tuwalya habang ibinabato ang mga gamit ni Lola sa labas habang sinisigawan ito. Si Lola ay tahimik lamang na nagaayos ng mga gamit niya na itinapon ng babae.

Hindi raw umano makabayad ang matanda sa upa kaya maririnig sa video na nabanggit pa ng may-ari na hindi katangap-tangap ang mga lumang gamit ng lola bilang pambayad sa kanyang renta.

Mapapansin ding ipinagtatanggol ng kumukuha ng video ang lola na hindi na lamang nagsasalita at inaayos na lamang ang gamit na inilalabas ng may-ari. Nabanggit din ng kumukuha ng video na tila may napag-usapan na sila sa barangay na hindi muna dapat pinaalis ang kaawa-awang matanda. Umuulan pa naman nang araw na pinalayas ang lola kaya mas lalong naging mahirap ang kalagayan nito. Ngunit kahit anong pakiusap at pagtatanggol ng ng kumuha ng video, hindi na lumambot pa ang puso ng nagpalayas sa matanda.

Ayon pa sa kumukuha ng video hindi daw niya talaga mapipigilan magsalita ng masasakit dahil sa awa sa matanda. Dahil hindi makatao ang ginagawa pagpapalayas kay Lola.

“Oo nakiki-tira. Ilang taon yan nagsilbi sa inyo, Pinapasweldo niyo ba?!” Dagdag pa ng kumukuha ng video

Hindi naman natinag ang babae na nagpapalayas kay Lola tuloy lamang ito sa kakasigaw sa matanda na hindi masyado marinig ng maayos ang pinagsasabi sa video.

Paghaghamon pa ng kumukuha ng video sa nagpapalayas kay Lola:

“HIndi kayo naawa sa tao! Hinahamon ko kayo maglabas kayo ng titulo!”.

Mapapanood sa huling bahagi ng video na galit na galit ang kumukuha ng video sa angpapalayas kay Lola hindi niya na napigilan ang kanyang damdamin at nakapagmura at sinabihan ang mga ito na ang kakapal ng mukha sa pagpapalayas sa matandang babae.

Loading...