Mister na OFW,Labis ang Hinagpis ng Malaman na Buntis ang kanyang Misis sa ibang lalaki habang nasa abroad ito at Inaband0na ang mga Anak.

Balewala ang hirap, pagod at pangungulila sa pamilya kung alam mong ang ginagawa mo ay para sa kanilang kinabukasan at kapakanan, kaya nga tinawag na mg bayaning buhay ang ating mga kababayang OFW dahil sa di matawarang sakripisyo para sa kanilang pamilya at sa bansa.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Kaya di hamak na masakit sa damdamin ng ating mga OFW kung sa kabila ng kanilang sakripisyo ay hindi pa pinapahalagahan ng kanilang pamilya ang kanilang ginagawa at ang masama pa ay niloloko sila.

Katulad na lamang sa hinagpis na nararamdaman ng isang lalaking OFW na di umanoy pinagtaksilan ng kaniyang asawa.

Siya ay si Nilo Barelos, isang OFW sa Riyadh, Saudi, sobra ang kanyang kalungkutan at hinagpis kaya nagreklamo siya sa programa ni Raffy Tulfo, inireklamo niya nag kanyang asawa.

Di maipaliwanag na galit at sakit ang naramdaman ni Nilo ng malaman niyang ang kanyang misis na si Ivy Barelos ay may karelasyon na ibang lalaki, bukod pa dito nalaman niya na iniwan pa ng asawa niya ang kanilang mga anak.

Ayon naman kay Nilo ay nagtataka siya bakit nagawa ng kanyang asawa ang lahat ng iyon, hindi naman daw siya nagkukulang sa kanyang pamilya.

Sa katunayan nga daw ay buwan-buwan ito nag papadala ng halagang 25,000 pesos para maipanggastos ng kanyang mag-iina.

Bumuhos pa lalo ang iyak ni Nilo ng ikinuwento nito kay Sir Raffy Tulfo kung paano iniwan at inabandona ng kanyang asawa ang kanilang mga anak para lamang sumama sa kabit nitong si Junjun Larosa.

Ayon kay Nilo iniwanan lamang ni Ivy ang kanilang mga anak ng halagang 200pesos bago ito umalis.

Samantala, ikinuwento naman ng naging kabet ni Ivy na si Junjun Larosa kay sir Raffy Tulfo kung paano sila nagkaroon ng relasyon ni Ivy.

Nagkakilala daw umano ang dalawa matapos mag punta ni Ivy sa bahay nila Junjun para i-rebond ang mga pinsan nito. Ayon kay Junjun napamahal siya kay Ivy dahil mahilig at magaling daw itong magluto.

Dahil sa pangyayaring ito, hindi na naiwasanni Nilo na itago ang kanyang galit at hinanakit sa kanyang asawa dahil sa ginawa nito sa kanya at sa kanyang mga anak.

Kaya naman desido na siyang magsampa ng kaso sa mga ito. Ngunit imbes na humingi ng pasensya at tawad ang kanyang asawa ay ito ang sinabi ni Ivy:

Ivy: “Sige, kung yun ikakasaya niya”

Sa ngayon naman ay buntis si Ivy kay Junjun ng dalawang buwan, Ipinangako naman ni Sir Raffy na kanyang tutulungan ang kawawang si Nilo lalo nat matibay ang ebidensya ng pangangaliwa ng kanyang asawa.

Loading...