Mas Pinili ng Isang OFW Na Ipagiba Ang Pinaghirapan Niyang Bahay Dahil Sa Pangloloko Ng Kapatid Niya

Maswerte tayo kapag mayroon tayong mga kapatid at kamag-anak na tumutulong sa atin. Kaya bilang kabayaran na rin sa mga nagawa nilang sakripisyo at tulong, sana naman ay ingatan ang kanilang mga binibigay at ito ay bigyan ng halaga. Tunghayan po ang naging karanasan naman ng isang OFW patungkol sa kanyang mga kapatid.

You May Also Read:

OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas

Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.

Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants

Nag-viral ang video ng isang OFW na naloko ng sariling kapatid. Sa post, makikita ang galit na si Jonalyn Obnar na pinagigiba ang bahay na pinagkatiwala niya sa kapatid at sa asawa nito. Sa lob kasi ng 15 na taon ng paninilbihan niya abroad, nagplano na siya na magpatayo ng bahay.

Nang malaman ito ng kanyang kapatid, nagpresinta raw ito na hanapan si Jonalyn ng lupa. Tatlong taon niya raw kasi itong ipinaubaya sa kanyang kapatid. Buong pag-aakala niya kasing naayos na nito ang titulo sa halagang ₱40,000 at inakala rin niyang pinoproseso na ng kapatid ang pagpapalipat ng pangalan nito sa kanya.

Sa tuwing kukumustahin niya kasi ang kapatid tungkol sa titulo ng bahay na inaasahan niyang maililipat sa kanya ay tila galit ito at patuloy pa rin ang pagsasabi kay Jonalyn na sila na ang bahala. Dahil sa tiwala sa kapatid, patuloy pa rin ang pagpapadala niya ng may kalakihang halaga ng pera. Ngunit nang makauwi siya sa Pilipinas, laking gulat niya sa mga nadatnan. Una, nalaman niya na kailanman ay di mapapasa kanya ang titulo dahil ito ay nasa tinatawag na mother title pa at hindi bastang maibebenta pa sa kanila. Ang masaklap, tila lumabas pa na nagpapatayo siya ng bahay para sa kanyang kapatid at hindi para sa kanyang pamilya. Dala ng matinding sama ng loob, pinagiba niya ang bahay kahit pa malaki-laki na rin ang ipinundar niya rito. Ginawa niya ito para di na rin ito matirhan pa lalong lalo na ng kanyang kapatid na nanloko sa kanya.

 

Loading...