Mag-asawang Magsasaka, Niloko ng Kamag-Anak, Matapos Malamang Nanalo sila sa Lotto.

Ayon nga sa mga nababasa natin, kung wala kang pera, wala ka ring kaibigan, at ang masakit pa duon wala kang kapamilya, dahil mismong mga kapamilya mo pa minsan ang gagawa ng masama sa iyo.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Hindi na lingid ito sa kaalaman ng iba, dahil marami namang napapabalita na mga kamag-anak na nagsipag-away dahil lamang sa mga pamana ng kanilang mga magulang.

Kaya sa panahon ngayon mahirap na ang magtiwala kahit kanino.Katulad na lamang po sa nangyari sa mag-asawang ito, na nanalo sa lotto at ginawan ng masama ng kanilang kamag-anak.

Sila ang mag asawang Ernie at Vergie. Ayon sa kanila, sila ay parehong nanggaling sa mahirap na pamilya. Dahil sa kahirapang kaya hindi sila nagkaroon ng pagkakataon para makapag aral.

Sa kabila ng lahat ng ito, naroon pa din ang ngiti at kaligayahan nilang dalawa pagkat sila ay binibiyayaan ng mga supling na nagsisilbing kanilang lakas at dahilan sa paglaban sa kanilang buhay.

Pagsasaka ang ikinabubuhay nilang buong pamilya. Dahil sa kagustuhang mairaos ang mga anak at hindi matulad sa kanilang kinakaharap, ginagawa nila ang lahat upang maitaguyod at matustusan ang mga pangangailangan ng mga ito.

Kasama na doon ang pag tataya sa lotto araw araw. Nagbabakasakali na sila ay mananalo at mag bago ang ikot at takbo ng kanilang buhay.

Wala silang espesipikong numerong inaalagaan. Ngunit isang gabi nang managinip si Vergie ng kombinasyon ng mga numero na maaari nilang itaya sa lotto.

Sa bawat pag taya sa lotto, sinasama ni Ernie ang kanilang kamag anak sa kadahilanang hindi nga ito marunong magsulat. Kaya naman nang utusan ni Vergie ang kaniyang asawa na mamili agad ng ticket ay agad naman itong sinamahan ng kanilang kamag anak.

Nanalo ang mga numerong napanaginipan ni Vergie. Dito ay nabuhayan sila nang loob at nagkaroon muli ng pag asang ito na ang simula ng pag babago ng kanilang buhay.

Ngunit sa kasamaang palad, sa hindi inaasahang pag kakataon, P900,000 lamang ang kanilang natanggap pagkat pagkat inilagay ang perang napalalunan sa bank account ni Angel dahil siya ang nakapirma sa ticket.

Pagkatapos nito ay hindi na muling nakatanggap ng balita ukol sa kanilang kamag anak. Isa pa sa panlolokong ginawa sa mag asawa ay binentahan sila ng pekeng titulo kaya agad naglaho ang kanilang pera.

Dahil sa masalimuot na pangyayari, ang mag asawa ay bumalik na lamang sa Bicol sa tulong ng kanilang tiyahin. Naballitaan din nila na ang taong nanloko sa kanila ay nagkaroon ng malubhang sakit.Talagang mabilis na ang karma, di mo pa naman hinihiling kusa ng darating sa mga taong maitim ang laman ng puso.

Loading...